Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elmo, excited nang makatrabaho si Janella

113015 Elmo Janella

00 SHOWBIZ ms mGRATEFUL si Elmo Magalona sa limang taong ibinigay sa kanya ng GMA7 para ipakita ang kanyang talento sa pag-arte at pagkanta. Pero dahil nais pa niyang mag-grow at tapos na rin naman ang kanyang kontrata sa Kapuso Network, lumipat na siya ng ABS-CBN.

Hindi raw siya lumipat dahil pinabayaan siya ng kanyang unang network kundi nais din niyang makatrabaho ang iba pang artista. Hindi naman daw naging madali ang desisyon niyang iwan ang network na unang humubog sa kanya.

“It is a big decision, mostly it was my mom who helped me go through this. My dad is also a big part of my decision also, I just want him to be proud of me always. I hope he is proud of me,” anang actor na pumirma na ng kontrata sa Star Magic na kasama niyang pumirma ang ina at manager din niyang si Pia Magalona.

At ang unang proyektong gagawin ni Elmo ay ang teleseryeng Born For You mula sa Dreamscape Entertainment Television  kapareha siJanella Salvador.

“I’m excited to work with her because she has so many projects pero she is able to make one project with me. She’s bubbly and very energetic,”sambit ni Elmo patungkol kay Janella.

Ang Born For You ay kuwentong pampamilya at ukol sa destiny na may malaking bahagi rin sa kuwento ang musika.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …