Ang Angela Markada ni Hilda noon ay hinangaan lalo’t ang magaling na director na si Lino Brocka ang nagdirehe nito at napakahusay ang pagkakaganap dito ng aktres.
Sa bagong Angela Markado, si Direk Carlo J. Caparas ang magdidirehe na siyang orihinal na sumulat ng story nito. Aniya, ibang-iba ang atakeng ginawa ni Andi kompra kay Hilda.
“Ang atake kasi ni Hilda Koronel sa ‘Angela Markado’ noon, ‘yung naka-illicit ng sobrang awa ng tao. Rito sa ginawa ko kay Andi Eigenmann, ‘yung performance, ‘yung attact niya sa role, ito makaka-illicit ng sympathy sa mga tao,” paliwanag ni Direk Caparas.
Anang director, ‘di dapat ikompara ang level ng acting nina Hilda at Andi.”Hindi komo ako ng director ni Andi, sinasabi kong, talagang hands down ako ako sa kanya dahil best ang ipinakita niyang performance.”
Showing na ang Angela Markado bukas, Dec. 2. Kasama rin dito sina Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Rocco, Polo Ravales, at CJ Caparas bilang mga rapist ni Andi.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio