Friday , November 15 2024

Araw ng mga bayani binaboy ng maruming perya sa likod ng Bonifacio Shrine

00 Bulabugin jerry yap jsyMARAMI na talagang nababoy sa Maynila.          

Kahapon, ipinagdiriwang ng buong bansa ang Araw ng mga Bayani kasabay ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Pero imbes maging maringal at kagalang-galang ang pagdiriwang ‘e para pang nababoy dahil sa namamayagpag na perya sa likod ng Bonifacio Shrine.          

Sonabagan!

Dahil sa pamamayagpag ng nasabing perya na iilan lang ang rides (delikadong rides) namantot na ang kapaligiran ng Bonifacio Shrine dahil walang portalet na puwedeng gamitin ang mga tauhan ng perya.

Sino ba itong Ed ng Marikina at mukhang napakalakas ng loob na magpatayo ng perya diya sa likod ng Bonifacio Shrine.

Kunsabagay, ‘yung Rizal Park nga ‘e tinayuan din dati ng perya, nakagugulat pa ba kung kay Gat Bonifacio naman ngayon?

Ang balita, nasasalisihan pa ng sugal sa gabi, ang nasabing perya.

Alam kaya ng Mayor’s Office ‘yan?!

Tsk tsk tsk…

Duterte Fever naman ngayon

S’YEMPRE nagdeklara si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaya hayan pinagkulumpunan na naman siya kahit saan magpunta.

Kahit sa social media, maingay ang mga supporter ni Digong.

Mantakin n’yo namna ang showmanship ni Digong parang SUPERMAN na kayang tapatan ang lahat.

Si Digong na nga kaya?!

Pero ano itong nababalitaan natin na nagdeklara pa lamang si Digong ‘e bigla nang pinagkaguluhan ng mga remnants ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo?!

Kabilang sa kanila ang masayang-masayang si Lito Banayo.

Masaya as in happeeee talaga!

Sabi nga, wala na talagang ibang maligaya sa pagtakbo ni Digong kundi ang mga nakikinabang at makikinabang pa sa kanya.

Tingnan natin kung paano itatransporma ng mga ‘bata’ ni Digong ang ‘nagkakagulong’ suporta sa boto para manalo ang kanilang idolo.

Sabi nga ng mga kalahi ni PGMA, “Subukan pamu para mabalu!”

Dumating na ba ang ‘Carmi Martin’ sa buhay ni Mison

NITONG nakaraang Linggo ay lumabas ang isang nakagugulat na Department Order No. 911 mula kay Secretary of Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Isinasaad sa mga nasabing Department Order ang pagbibigay ng karampatang kapangyarihan kay BI Associate Commissioner Gilbert U. Repizo upang maging Commissioner-in-Charge ng border control operations sa buong Filipinas!

Uulitin lang po natin, buong bansa ‘yan!

Kasama rin dito ang pagkakaroon ng direct supervision and control ng lahat ng immigration personnel na konektado sa border control operations maging organic personnel, confidential agents at/o job order employees.

Siya rin ay binigyan ng EXCLUSIVE AUTHORITY sa lahat ng exclusion orders na karaniwang ini-issue ni Comm. SiegFraud ‘este Siegfred Mison.

Iisa lang ang ibig sabihin nito. Obviously hindi na yata feel ni SOJ Caguioa ang existence ni Comm. Fred ‘greencard’ Mison sa bureau?!

In short, wala nang trust and confidence kay Mison si SOJ Caguioa.

Mantakin n’yo, inalisan o binawasan ang powers ng isang BI Commissioner ay para na ring inalisan ng pangil at mistulang malaking sampal sa pagmumukha ng kasalukuyang nakaupo diyan!

Hindi lang ‘yan!

Halos lahat ng ginawang memorandum ni Miso ‘este’ Mison pala e unti-unti nang inire-revoked!

Kaya naman hindi nakapagtataka kung ang favorite song pala ngayon nitong anak ni Mang Badong ‘e “Killing Me Softly?!”

Bwahahaha!!!

Tama ba ‘yun, Atty. Manuel “Betadine Gargol” Plaza?

Mukhang natapos na ang happy ‘imbudo’ days ninyo ha!? 

Sabagay, kung ganyan na ang treatment sa iyo ng kahit sinong boss, para ano pa at nagtatagal pa sa puwesto niya si Fred ‘we will give them a good fight’ Mison?!

Sabi nga ng mga urot diyan sa BI, baka naman daw ipinaglihi sa bayawak si pa-good guy Commissioner dahil sobra kung makapangapit sa lahat ng hinahawakan niya?

Bwahahaha!

Gusto lang nating ipaalala kay pareng Fredo, na ang Secretary of Justice ay alter-ego ng ating Presidente.

Kung ano ang gusto niyang gawing pagbabago sa bureau, that means approve lahat ‘yan kay Pnoy!

Imagine, pinararamdam na nga na ayaw na sa iyo ng boss mo, kapit-tuko ka pa rin?!

So kapaaaal e!?

Sabi pa nga ng haters ni Mison, ano ba talaga at hindi mabitawan nitong si Mison ang Bureau? Pagmamahal ba sa talaga sa ahensiya ang pakay niya o takot lang na mawala ang kasalukuyang minamahal kapag siya ay wala na sa pwesto??

Natumbok ng haters!

Paano pa nga ime-maintain ang isang magarang sasakyan kung wala nang pondo?

Araykupu! Sakit no’n ha?! Tagos hanggang laman!

Well, gano’n talaga!

Hindi tayo nagkulang ng paalala sa inyo, walang permanent commissioner sa Bureau ‘di ba?  Weather-weather lang kayo riyan!

Mukhang dumating na nga ang ‘Carmi Martin’ (as in KARMA) sa iyong buhay.

Digital with million mbps pa!  

And to tell you frankly, at the moment, the weather is now very, very fine in BI now!

Yahoo!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *