MAS pinasiglang TV5 ang dapat abangan ng mga manonood sa pagpasok ng 2016!
Sa kabila ng mga usapin nitong mga nakaraang buwan na sisinghap-singhap, kundi man, tigok na ang departamentong Entertainment TV ng nasabing estasyon, parang dextrose na bubuhayin itong muli ng Viva Entertainment, siyempre, sa pamumuno ni Boss Vic del Rosario.
With Viva’s entry, asahan ang napakalaking pagbabago sa aspeto ng programming sa TV5 na may basbas mula kay Ginoong Manny V.Pangilinan. The Pangilinan-del Rosario partnership must be the key para umarangkada ang TV5.
This early, kasama sa front line ang henyo ng komiks na si Carlo J. Caparas sa TV version ng dalawa sa kanyang mga makasaysayang obra: ang Panday at ang Tasya Fantasya.
Balitang ang TV version ng Panday ang inaasahang magbibigay-siglang muli sa TV career ni Richard Gutierrez in a role na ginampanan ng yumaong FPJ. Samantala, wala pang final choice to portray Tasya played by Kris Aquino.
Isa lang ang tiyak sa pagpasok ng Viva Entertainment sa TV5: a revitalized TV industry na hindi lang magpapaigting ng kompetisyon among the country’s networks kundi mas maraming job opportunities para sa mga manggagawa sa telebisyon.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III