Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, gustong makatrabaho si Vice Ganda

113015 sunshine cruz

00 Alam mo na NonieAMINADO si Sunshine Cruz na idolo niya si Vice Ganda. Kaya naman nang naging Hurado ang magandang aktres last week sa It’s Showtime, sinabi ni Shine na enjoy siya kapag nagge-guest sa noontime show ng ABS CBN at masaya siya dahil suki ba siya sa naturang show.

“Super nag-enjoy ako, suki kasi ako rito sa It’s Showtime. Pang ilang beses ko na ito and nakaka-good vibes lang talagang maging Hurado. Kasi parang, you get entertained by watching them. At the same time, kumikita ka pa.

“Kaya ang sarap talagang maging Hurado. Kasi, aliw na aliw ako kay Vice. So, kapag napapanood ko si Vice, ang sarap ng feelings, ang saya,” wika ni Sunshine na endorser din ng Ever Bilena.

Masasabi ba niyang isa si Vice sa pinakamagaling na comedian sa bansa ngayon?

“Ay oo, oo naman,” mabilis na sagot ni Sunshine. “Isa si Vice sa pinakamagaling. Iyong pelikula niya ay talagang pinapanood ng mga tao, e. Nakaka-good vibes talaga, kaya kung gusto mong maging masaya at makalimutan ang problema mo, panoorin mo si Vice.”

Sinabi pa niyang parang breaker sa kanya ang maging bisita sa It’s Showtime, dahil karamihan ng ginagawa niyang show sa TV ay drama. “Natutuwa ako kapag nandito, dahil puro drama ang ginagawa ko, e, hindi ba? Parang pahinga ko ito sa iyakan. Kumbaga, breaker sa akin kapag nandito ako sa It’s Showtime.”

Nang usisain namin kung game ba siyang makatrabaho si Vice sa TV man o pelikula, ito ang saad ng aktres. “Naku! Kahit gumanap pa akong yaya or something, I’m a huge fan ni Vice, e. Gusto ko kasi talaga iyong humor ni Vice, I find it hilarious talaga.

“Para sa akin, both silang dalawa ni Direk Wenn Deramas ay pareho iyong humor nila. Makukulit at iba talaga, e.

“Nakasama ko na si Direk Wenn sa Galema and we became very close, we became friends and I find him very funny too. So para sa akin, puwedeng i-compare talaga iyong pagiging pilya ni Direk Wenn kay Vice Ganda. Parang pareho sila, e. Ang bilis kasi ng utak nila sa pag-pick-up sa punch lines at kalokohan,” nakangiting saad pa ng aktres.

“Kaya nakakatuwa talaga at bagay ang tandem nina Direk Wenn at Vice Ganda,” pahabol pa ni Sunshine.

Ayon pa kay Sunshine, nakatakda siyang gumawa ng bagong TV series sa Dos at posibleng prime time ito, kaya nagpapasalamat siya ng sobra sa pag-aalaga sa kanya ng Kapamilya Network.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …