Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, makakaribal ni James kay Nadine

112515 paulo avelino jadine

00 SHOWBIZ ms mTIYAK na maraming fans ang aalma sa paglabas ng karakter ni Paulo Avelino sa tumitinding kuwento ng hit ABS-CBN primetime teleserye na On The Wings of Love.

Paano’y makakaribal ni James Reid (Clark) sa puso ni Nadine Lustre (Leah) si Paulo na gagampanan ang papel ni Simon, ang bagong boss ni Leah sa advertising firm na kanyang pinagtatrabahuan. Kung nagugulo ang masaya at magandang pagsasama nina Clark at Leah dahil kay Jigs (Albie Casino), ano naman kaya ang gagawin ni Simon? Matinag kaya ang pag-iibigan ng dalawa sa panibagong hamon sa pag-iibigan nila?

Ayon kay Biboy Arboleda, Adprom manager of Dreamscape Entertainment, “Ang karakter ni Paulo ay magbibigay ng panibagong excitement dahil fit ang karakter ni Simon kay Paulo.

“We patterned it after him at nagdagdag kami ng elements kung paano ang mga tao sa advertising industry para magkaroon ng contrast si Simon kay Clark, para mag-blend well siya kay Leah.”

At dahil sa mas kumikilig na takbo ng kuwento, mas nagiging usap-usapan sa social media ang On the Wings of Love na isang consistent trending topic sa Twitter. Maging sa iWant TV, ang On the Wings of Love pa rin ang pinakapinanonood na programa na nakakuha ng 4.4-M total views noong Oktubre.

Samantala, dapat abangan ng mga OTWOLista ang napakaraming sorpresa at merchandise ng On the Wings of Love sa susunod na mga buwan kabilang na ang worldwide Spread the Love Tour.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …