Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Takbo ni Jimmy, tampok sa Duterte-Cayetano: Tunog ng Pagbabago concert

112815 MAD FOR CHANGE

00 SHOWBIZ ms mNAGSAMA-SAMA ang mga supporter nina Mayor Rodrigo Duterte at  Senador Allan Peter Cayetano para himukin ang una na ituloy ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa 2016.

Isang concert ang binuo ng DC Supporters, ang Mad for Change: Tunog ng Pagbabago na gaganapin sa bukas, Linggo, November 29, 5:00 p.m., sa Chateau Road, McKinley West, Fort Bonifacio, Taguig City. Tatampukan at magbibigay saya ang mga singer na sina Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Paolo Santos, Thor, Kris angelica, Popong Landero, Lolita Carbon, Allan Nawal Afdal, Duches in Throne, Kamagong, Daddy’s Off Duty at marami pang ibang surprise guests.

Sa Mad for Change show iparirinig ni Bondoc ang awiting ginawa niya para kay Duterte, ang Takbo na ang mensahe ay ukol sa paghimok ditto na tumakbo sa pagkapangulo. Makakasama ni Bondoc para kakantahin ang Takbo sina Mijares, Santos, at Thor.

Bukod sa entertaining show, mayroon ding libreng pakalbo at printing ng T-shirt. Ito’y Free admission kaya puwedeng manood ang kahit sino.

Tayo na, sugod na mga kapatid para sa Pagbabago!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …