Paano naman, ano pa nga ba ang dapat asahan kapag pinagsama ang undisputed Philippine box-office king at box-office queen idagdag pa ang newest record-breaking, phenomenal loveteam, eh ‘di siyempre, sure hit na. Asahan pa ang high-spirited excitement, heartwarming romance, wholesome fun, at excellent Filipino values na makikita sa filmfest entry na pinamahalaan ni Jose Javier Reyes at isinulat nina Bibeth Orteza at Reyes.
Tampok din sa My Bebe Love: Kilig Pa More! sina Joey de Leon, ang mga lola ng Eat Bulaga na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola gayundin si Ryzza Mae Dizon.
Ginagampanan ni Vic ang papel ni Vito na mayroong bitter professional rivalry kay Cora (Ai-Ai). Pareho kasi sila ng negosyo, ang paggawa ng special events at productions na parehong naging matagumpay. Nagkaroon lalo ng problema nang ma-in-love si Anna (Maine, anak ni Vic) sa pamangkin ni Ai Ai na si Dondi (Alden). Tulad ng inaasahan, parehong hindi komporme sina Vito at Cora sa nararamdaman ng dalawa. Kaya naman gumawa sila ng kung ano-anong paraan para lamang hindi matuloy ang pag-iibigan ng mga ito.
Kung saan patungo at kung ano ang mangyayari sa pagmamahalan ng dalawa? Iyon ang dapat abangan. Kaya tutukan pa ang excitement, love, at romansa sa My Bebe Love: Kilig Pa More! na mapapanood sa Kapaskuhan sa pagbubukas ng MMFF.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio