Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sequel movie nina Popoy at Basha mas matindi ang naging impact sa box office, a second chance kumita ng P43.3 Million sa unang araw

112715 lloydie Bea Alonzo 2
MUKHANG mauulit sa sequel movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Star Cinema na “A Second Chance” ang nangyari sa movie nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na “Starting Over Again” na isa sa itinuturing na all-time high grossing Filipino film na humamig nang mahigit P500 million.

Base sa report na inilabas ng Star Cinema last Wednesday ay nag-gross na ng 43.3 million ang A Second Chance sa unang araw ng pagtatanghal nito na palabas ngayon sa 300 cinemas nationwide. Patunay lang na sobrang na-miss talaga ng mga Popoy and Basha fanatics ang tambalang Lloydie at Bea na minahal nila at sobrang hinangaan sa “One More Chance” na tumabo rin nang husto sa takilya noong ipalabas ito noong 2007.

Malaking factor kung bakit hindi bumibitaw ang fans and supporters nina Popoy at Basha kasi bukod sa punong-puno ng hugot ang pelikula ay maraming natutunan na aral ang mga lovers sa film mula sa obra ng orihinal na hugot queen at blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina.

Para naman kay Lloydie, malaking bahagi ng buhay niya ang One More Chance na may karakter si Popoy sa movie na lumalabas sa persona niya. Kay Bea naman ay malaking parte raw ‘yung natutuhan niya kung paano magmahal. At pagbibida ng mahusay na aktor sa kanyang magandang leading-lady na si Bea, always pleasure daw for him na maka-work si Bea at very vocal siya sa pagsasabing may mga eksena, na nagagawa lang niya kapag si Bea ang kasama sa film. Always humbling, always joy, raw makasama si Bea sa screen. “It’s always a pleasure na makatrabaho si John Lloyd at nandoon pa rin ‘yung pikonan namin sa set.

Para naman kay Direk Cathy happy siya dahil parehong nag-mature ang kanyang mga bida. Pagbibida pa ng Kapamilya director sobrang bait raw ni Bea kaya mahal niya.

Kasama rin sa movie sina Janus del Prado, Ahron Villena at big winner noon ng PBB na si Bea So. Nagpapasalamat nga pala sina John Lloyd at Bea sa kanilang brilliant writers sa One More Chance at A Second Chance at siyempre sa Team Star Cinema.

By the way magkakaroon pala ng international screening ang A Second Chance sa December 2 and 4 sa USA at Canada at personal na dadalo sina Lloydie at Bea sa Hong Kong screening ng kanilang super hit movie na naging mega successful rin ang premiere night last Tuesday sa tatlong sinehan ng SM Megamall.

Yes! Jampacked sa rami ng tao ang Cinema 8, 9, and 10 ng nasabing cinemas.

Nakalululang success gyud!

 VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …