Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phoenix pasok sa PBA D League

020415 PBA D League
WALO na ang mga koponang kasali sa PBA D League 2016 season na magbubukas na sa Enero.

Kinumpirma ng isang source na bagong pasok sa liga ang Phoenix Petroleum na nagtangkang pumasok sa PBA bilang expansion team noong 2011 ngunit ito’y nabulilyaso dahil sa pagpasok ng Petron Blaze na kalaban ng Phoenix sa pagbenta ng gasolina.

Ang Phoenix din ay naging sponsor ng mga out-of-town na laro ng PBA noon.

Halos lahat ng mga manlalaro ng Phoenix ay manggagaling sa Rookie Draft ng D League na gagawin sa Disyembre 1 sa PBA Café sa Metrowalk, Pasig City.

Ang iba pang mga koponang kasali sa D League ay ang Café France, Tanduay Light, AMA University, Racal/Keramix Mixers, Wangs Basketball, UP-QRS/Jam Liner at Mindanao Aguilas.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …