Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No. 2 drug dealer, 3 pa tiklo sa Cubao

NAARESTO ang apat na lalaki, kabilang ang isang no. 2 top drug personality, sa buy-bust operation ng mga operatiba ng National Capital Regional Police Office-Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (NCRPO-RAIDSOTG) sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ng mga nadakip na si Ferdinand Balatbat, alyas Jun Gapo, ang no. 2 drug personality; alalay niyang si Jerald Granada, Raymond Marasigan, at Jose Sumeria, taxi driver.

Ayon kay SPO4 Arsenio Caraveo ng RAID, SOTG, isinagawa ang operasyon makaraang magreklamo sa kanilang tanggapan ang isang residente sa isang compound na nagdududa sa rami ng taong labas-masok sa isang pinauupahan niyang bahay sa No. 57 Mariz St., kanto ng New York, Cubao, Brgy. E. Rodriguez sa lungsod.

Makaraang manmaman, nabatid ng pulisya na ang nasabing bahay ay ginagamit ni Balatbat sa operasyon ng ilegal na droga.

Si Balatbat ay napag-alaman nilang notoryus na drug pusher at kalalaya lamang kamakailan sa piitan dahil sa kahalintulad na kaso.

Sa puntong ito, nakipag-transaksyon ang mga awtoridad kay Balatbat sa pamamagitan ng pagbili ng shabu na halagang P50,000.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip kay Balatbat at tatlong iba pa.

Sa pagsisiyasat sa bahay ni Balatbat, narekober ang mga piraso ng plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000, gayondin ang ilang piraso ng drug paraphernalia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …