Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion album tour, ngayong Linggo na sa Lucky Chinatown Mall

112715 marion aunor

00 Alam mo na NonieSASABAK na sa first album tour niya si Marion this Sunday (Nov. 29) at gaganapin ito sa Lucky Chinatown Mall, 5 pm. Self-titled ito at muling makikita rito ang talent ng panganay na anak ni Maribel Aunor. Kargado sa magagandang musika ang album na ito ni Marion na mula sa Star Music. Sulit na sulit sa bawat music lover dahil sixteen cuts lahat ito at 12 sa mga kanta ay sinulat ni Marion.

“I’m very happy dito sa aking first album tour at magkaka-physical copy na rin finally. Even if popular po ang digital ngayon, maganda pa rin po yung feeling na may physical copy na maibibigay para sa mga fans. I know matagal na din po nilang hinihintay yun. So, I’m dedicating this album to them,” saad ni Marion.

Nagkuwento pa ang versatile na singer-songwriter sa album niyang ito. “Sixteen songs po lahat ang maririnig sa album at included na po roon ang two bonus tracks na versions ko ng mga sinulat kong kanta para kay Kathryn Bernardo (You Dont Know Me) and kay Alex Gonzaga (Goodbye Kiss).

“Nandito rin po yung official eviction song ng PBB na Take a Chance, yung song na kinanta ko sa last Himig Handog na Pumapag-ibig, ‘yung theme song ng Ex With Benefits na version ko ng I love You Always Forever ni Donna Lewis. And may collaboration din po kami nina Alex and Morissette sa composition ko called Unbound.”

Dagdag pa niya, “And yung other writers po rito sa album ay sina Tiny Corpuz para sa Tagalog translation ng If You Ever Change Your Mind, si Sir Jonathan Manalo sa pag-Tagalize ng song ko na Free Fall Into Love and yung song niya na How Can I. Then, yung Pumapag-Ibig ni Sir Jungee Marcelo and Oo Nga Pala ni Direk Joven Tan.”

Ang over-all producer ng album ay si Kidwolf at sa mga bibili ng album, maaari nila itong ipa-autograph kay Marion after ng mall show.

 ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …