Friday , November 15 2024

Kailangan natin ng grasya na magkaroon ng kakayahan na lumuha para sa iba

USAPING BAYAN LogoIMBES humingi ng tawad at bayaran ang perhuwisyo na idinulot ng kriminal na kapabayaan ng mga nasa poder kaya malaya na nakapambibiktima ng mga manlalakbay ang sindikato na Laglag Bala sa Ninoy Aquino International Airport ay binaliwala ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang mga naulat na insidente kaugnay ng laglag bala. Hindi pa nakuntento, sinisi pa niya ang media dahil pinalaki raw nito ang isyu.

Mahirap talaga kapag lumaki sa karangyaan ang lider ng isang bansa tulad ni Pangulong BS Aquino dahil malamang na hindi “nakatuntong sa lupa” ang mga paa nito. Iba kasi ang mundo na ginagalawan ng mga tao na tulad niya. Iba ang mundo na kanilang pinagmulan, isang mundo na malayo sa kototohanan na araw-araw pinagdurusahan ng mga maliliit na tulad natin.

Sigurado ako na hindi pa nabiktima ng raket o sindikato ang pangulo dahil para itong nabubuhay sa loob ng isang cocoon. Protektado ng salapi, impluwensya at mga bodyguards. Walang magtatangka na patakan ng bala ang bag ni Pangulong BS Aquino sa NAIA o magtatangka na gantsuhin siya maliban na lang kung hindi siya kilala o may galit na personal sa kanya ang gagawa niyon.

Mahirap dumamay para sa isang nasa torre na ivory sa mga maglulupa na kailangan pa na bumiyahe sa ibang bayan at duon magpa-alila para mabuhay lamang nila ng disente ang pamilya na maiiwan dito sa atin. Alam ng mga tao na may kutsarang pilak sa bibig ang salitang mahirap o naghihirap pero hindi nila nauunawaan ito ng lubos para makaramdaman sila ng tunay na simpatya at pakikiisa sa mga kapos palad.

Tama ang sabi ni Papa Francisco sa isa niyang homilya kamakailan: “We should ask (God) for the grace to weep for this world…” Matagal ng malinaw sa akin na walang kakayahan na maawa si Pangulong BS Aquino sa mga kababayan natin na dukha.

* * *

Tuwang-tuwa ang mga opisyal ni Pangulong BS Aquino sa donasyon ni US President Barack Obama sa ating Philippine Navy, isang barko na pinaglumaan ng US Coast Guard at isang luma rin na research ship. Hindi masama na nabigyan tayo ng mga barko pero dapat malinaw na hindi ito makadaragdag lakas sa atin para respetuhin tayo ng mga hukbong nabal ng mga karatig bansa.

Pansinin na maliban sa mga lokal na bangka na para sa mga ilog at baybayin, lahat ng barko na pandigma natin ay puro galing ba iba’t ibang bansa bilang donasyon. Nakalulungkot ang kalagayan ng ating Hukbong Dagat at Coast Guard. Nabuhay tayo sa bigay o hingi.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *