Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anthony Player of the Week

112715 Sean Anthony nlex pba
NOONG Martes ay ipinakita ni Sean Anthony kung bakit siya ang napili bilang Player of the Week ng PBA Press Corps.

Dalawang free throw ni Anthony sa huling 8.8 na segundo ang nagselyo sa 93-91 na panalo ng kanyang koponang North Luzon Expressway kontra sa dati niyang koponang Meralco sa PBA Smart BRO Philippine Cup.

Nagtala si Anthony ng 19 puntos, siyam na rebounds at apat na assists bilang followup sa kanyang 32 puntos at 12 rebounds sa naunang panalo ng Road Warriors kontra Talk n Text noong Biyernes.

Dahil dito ay umangat ang NLEX sa kartang apat na panalo at dalawang talo kaya umaasa si Anthony na makakaangat ang Road Warriors sa PBA pagkatapos ng kanilang mahabang dominasyon sa PBA D League.

Dating naglaro si Anthony para sa Powerade, Barako Bull, Talk n Text, Air21 at Meralco bago siya napunta sa NLEX dahil sa patakaran ng PBA kung saan limang Fil-Ams lang ang puwedeng maglaro sa isang koponan.

Pinakawalan si Anthony pagkatapos na makuha ng Meralco si Jimmy Alapag.

( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …