Friday , November 15 2024

P9-M shabu tiklo sa 2 drug dealers

1126 FRONTARESTADO ang dalawang drug dealer, kabilang ang isang negosyanteng Chinese, makaraang makompiskahan ng P9 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation kahapon ng umaga sa Quezon City.

Sa ulat kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD director, ang nadakip ay sina Paul Co, 44, negosyante, ng 27 Seminary Road, Bahay Toro, Quezon City; at Arvin Caray, 38, family driver, ng 2827 H. Santos, Tejeros, Makati City.

Ang dalawa ay nadakip dakong 5:45 a.m. sa kanto ng Mapagbigay  St., at V. Luna Avenue, Brgy. Pinyahan, Quezon City nang pinagsanib na puwersa ng QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) at District Special Operation Unit (DSOU).

Ayon kina Supt. Jay Agcaoili, hepe ng DSOU at Chief Insp. Enrico Figueroa, hepe ng DAID, dalawang linggong minanmanan ng kanilang unit ang operasyon ng dalawa makaraang makakuha ng impormasyon hinggil sa kanilang aktibidad.

Nang magpositibo ang impormasyon, ikinasa kahapon ang buy-bust operation at dinamba ng mga operatiba ang dalawa makaraang bentahan ng isang kilo ng shabu ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Pagkaraan ay nakuha sa loob ng dala nilang kotseng Suzuki Swift ang dalawa pang kilo ng shabu.

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *