Friday , November 15 2024

May sakit sa pag-iisip na-hit and run ng van

PATAY ang isang hindi nakilalang lalaki na sinasabing maysakit sa pag-iisip makaraang mabiktima ng hit and run ng isang puting sasakyan kahapon ng umaga sa Malabon City.

Ang biktimang tinatayang 43-anyos ay dinala na sa Eusebio Funeral Homes upang isailalim sa awtopsiya.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga awtoridad kung sino man ang nakakita sa insidente at nakuha ang plate number ng isang puting L-300 van, maaaring makipag-ugnayan sa kanila upang makilala kung sino ang driver, gayondin sa mga kamag-anakan ng biktima upang mabigyan nang maayos na libing.

Ayon sa ulat ni Chief Insp. Romulo Maburang, ng Malabon City Traffic Police, dakong 5:30  a.m. nang maganap ang insidente sa McArthur Highway, kanto ng Durian St., Brgy. Potrero ng nasabing lungsod.

Palakad-lakad ang biktima sa naturang lugar nang mahagip nang humahagibis na puting L300 van na hindi nakuha ang plaka.

Imbes huminto upang tulungan ang biktima ay humarurot ang van at iniwan ang naghihingalong biktima na binawian ng buhay.

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *