Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo at Jerome, pressured sa Haunted Mansion

112515 haunted house janella

00 SHOWBIZ ms mHINDI itinanggi nina Marlo Mortel at Jerome Ponce, leading man niJanella Salvador sa Regal MMFF entry na Haunted Mansion napressured sila dahil sa mabibigat na makakalabang pelikula sa festival.

Pero, ginawa naman daw nila ang lahat para mapaganda at magustuhan ng mga manonood ang Haunted Mansion na anim na buwan pala nilang ginawa sa ilalim ng supervision ni Direk Jun Lana.

“Lahat ibinigay namin at ang sarili namin, ibinigay namin para matuto. Kahit hindi ganoon kaganda ang kalabasan nito o hindi man masyadong kumita, masaya kami. Hindi po kami mawawalan kasi natututo po kami at nag-enjoy kami,” ani Jerome.

“Basta kami, I know we’re in the best team. Ginawa namin ang lahat-lahat para mapaganda,” sambit naman ni Marlo.

Sinabi naman ni Direk Jun na hindi mawawala ang kilig factor sa pelikula at pa-cute porke’t horror ang tema ng movie.

Basta ang tiyak din, makare-relate ang mga kabataan sa Haunted Mansiondahil tungkol ito sa kuwento nila lalo na ‘yung adventurous, makulit, at walang pakialam sa mundo lalo na sa panahon ngayon ng social media.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …