Saturday , November 23 2024

LTO pahirap sa bayan

LTO pahirapIBANG klase rin ang Land Transportation Office (LTO) na pinamumunuan ngayon ni Atty. Alpunso ‘este’ Alfonso Tan.

Aba, hindi na nga nila ma-comply ang backlog sa plaka at lisensiya ng mga applicants ‘e nagdagdag pa ng requirements sa renewal ng driver’s license.

May police clearance na may NBI clearance pa?!

Sonabagan!!!

Hindi ba dagdag gastos at abala ‘yan sa mga pobreng driver ng pampublikong sasakyan!?             

Bulok ba talaga ang database ng LTO at hindi nila ma-check ang records ng mga applicants lalo na kung renewal lang?!

Hindi na tayo nagtataka kung bakit hindi matapos-tapos ang red tape sa LTO dahil hindi rin maubos-ubos ang pag-iisip nila kung paano pahihirapan ang sambayanan.

Hanggang ngayon ay naglipana ang mga sasakyan na ang nakalagay lang ay numero ng conduction sticker at wala pang plate number.

Mantakin ninyong pumapayag ang LTO na bumabaha sa merkado ang iba’t ibang uri ng sasakyan pero hindi nila mabigyan ng plaka?!

Ganoon din ang lisensiya na hanggang ngayon ay papel lang ang hawak ng mga aplikante at wala pa rin ang kanilang PVC card.

Ano ba talaga ang nangyayari sa LTO?

Wala na ba kayong gagawin diyan kundi pahirap sa taumbayan!?

Matatapos na ang termino ni PNoy, akala ko ba’y ayaw niyang magpasa ng unresolved issues/problem sa susunod na administrasyon?!

‘E bakit hindi mareso-resolba ‘yang grabeng kakulangan ng LTO?!

LTO chief, Atty. Alfonso Tan, may balak ba kayong resolbahin ang backlogged ninyo o pahaya-hayahay na lang talaga kayo?!

Resolbahin ninyo ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *