Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, excited rumampa sa MMFF Parade of Stars

112015 Janella mother lily

00 SHOWBIZ ms mTUWANG-TUWA pala si Janella Salvador nang malamang magbibida siya sa Regal’s 41st Metro Manila Film Festival entry na Haunted Mansion.

“It was an unexpected project. It came as a surprise,” sambit nito nang makausap namin para sa pocket presscon ng Haunted Mansion na pinamahalaan ni Jun Lana.

Ani Janella, tuwang-tuwa siya nang makompirmang siya nga ang gustong magbida ni Mother Lily at anak na si Roselle Monteverde para sa horror movie na mapapanood na sa December 25. Hindi naman niya itinanggi na mayroong pressured lalo’t ang mga kasabayan niyang pelikula ay pinagbibidahan ng mga malalakas na loveteam tulad ng JaDine, Kimxi, at AlDub.

Pero positibo ang pananaw niya sa Haunted Mansion lalo’t sila lamang ang horror movie na kasali sa MMFF.

Isa pa sa ikinatutuwa ni Janella ay ang pagsama niya sa MMFF Parade of Starsdahil first time rin niya itong gagawin.

First time ring gumawa ng pelikula ni Janella at sa ilalim pa ng Regal. Under contract din pala siya ng Star Cinema at pinayagan naman daw siyang gumawa sa labas.

Nakilala si Janella dahil sa pagganap ng kikay sa Be Careful With My Heart at Oh My G. kaya natanong ito kung ganito rin ba ang karakter na gagampanan niya sa Haunted Mansion. Aniya, malayo, ”Well, ‘yung role ko rito iba kasi simple lang siya na tahimik tapos nakakakita siya ng multo.”

Isang high school student ang gagampanan ni Janella na binu-bully ng mga mean girl dahil isa siyang tahimik na estudyante at madalas nakakakita ng multo kahit bata pa man.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …