Friday , November 15 2024

Robredo tututukan ang karapatan ng kababaihan

GAGAMITIN ni Liberal Party vice president bet Leni Robredo bilang bentahe ang pagiging tanging babae sa karera sa pagka-bise presidente upang isulong ang karapatan at patas na trato sa kababaihan.

“Iyon ang ipinaglalaban natin. Para ma-equalize ang lahat ng inequalities sa lipunan. Pagdating sa babae, marami pa talagang inequalities na nag-e-exist,” wika ni Robredo.

“In fact, bilang kinatawan ng aming distrito, isa ito sa aking binigyang pansin, upang mabago ang ibang mga batas na nagsusulong ng inequalities,” dagdag ni Robredo.

Para kay Robredo, maganda na maraming kandidatong babae sa 2016 elections dahil ito ang magiging daan upang mabigyang pansin ang mga isyu ukol sa kababaihan.

“Kung may babaeng kandidato, puwedeng kumuha ito ng atensiyon sa pangangailangan na baguhin ang mga batas at ilang estruktura ng lipunan upang mawala ang inequalities na ito,” ani Robredo.

Isa sa mga inihain na batas ni Robredo ang House Bill No. 3432 o ang Anti-Discrimination Act of 2013, na nagbibigay proteksiyon sa karapatan ng bawat Filipino laban sa ano mang uri ng diskriminasyon sa lipunan.

Sa panukala, ipagbabawal na ang anumang uri ng diskriminasyon batay sa kasarian, sexual orientation, lahi, relihiyon, kulay, civil status, HIV status at iba pang kondisyong medikal.

“Kahit nakapaloob na sa batas ang patas na trato para sa lahat, ang katotohanan, marami pa rin Filipino ang nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang pang-araw-araw na buhay,” wika ni Robredo.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *