Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Romeo pararangalan ng FIBA 3X3

090715 gilas abueva romeo
NAPILI ang superstar ng Globalport na si Terrence Romeo bilang Most Spectacular Player ng FIBA 3X3 2015.

Nakuha ni Romeo ang parangal dahil sa kanyang 266,340 views sa YouTube page ng FIBA 3X3 kung saan nagpakitang-gilas siya sa Manila Masters sa Robinson’s Ermita noong Agosto.

Tinalo ni Romeo ang kanyang kakampi sa Gilas Pilipinas at FIBA 3X3 na si Calvin Abueva, pati na rin si Dusan Domovic Bulut ng NoviSad AlWahda na nagkampeon sa dalawang nabanggit na torneo.

Bago nito ay nakuha ni Romeo ang mga titulong Three-Point Shootout King, All-Star Game MVP, Most Improved Player at Scoring Champion sa PBA.

Tatanggapin ni Romeo ang kanyang tropeo sa awarding ceremony ng FIBA 3X3 na gagawin sa Disyembre 10 sa Doha, Qatar. ( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …