Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang, handang iwan ang career para kay Lee

062315 pokwang Lee O’Brian
NAKABUTI sa pelikulang Wang Fam na hindi

natuloy si Richard Yap para maging leadingman ni Pokwang. Mas bagay at may chemistry ang tandem nina Powkie at Benjie Paras. Gamay na nila ang isa’t isa, mag-asawa ang papel na kanilang ginagampanan na unang nagkasama sa Nathaniel ng Kapamilya Network.

Happy ngayon si Powkie, bonggacious ang kanyang showbiz career gayundin ang lovelife. Natagpuan na raw niya ang lalaking tunay na magmamahal sa kanilang mag-ina. Oo nga’t mahirap ang long distance love affair pero napag-usapan na raw nila ang magiging takbo ng kanilang relasyon ng actor na si Lee O’Brien.

Ready na si Pokwang na magka-baby kahit hindi pa sila kasal ng International actor. May engagement ring na ngang suot-suot si Powkie nang ma-interbyu namin ito. Nagbibirong sabi niya, ”Katutubos ko lang nito (sabay turo sa singsing)…Kahit ano ang mauna sa dalawa basta makasal lang, happy ako. Napag-uusapan namin ang kasal pero siyempre walang pressure. Kahit kailan basta ang importante pinagsama kaming dalawa, alam mo ‘yun.”

Sinabi ni Powkie na sa pagbabalik ng boyfriend sa ‘Pinas pormal na siyang ipakikilala sa parents nito. Sa January darating ang magulang ni Mr. Lee sa Pinas. Super happy ang comedienne sa naging pahayag ng husband to be na rito na sa ‘Pinas maninirahan ito after ng commitment niya abroad.

Malaki ang respeto at paniniwala ni Powkie sa pagkatao ni Mr. Lee. If ever yayain siya nitong manirahan sa US at i-request na iwan ang career niya sa Pilipinas, willing siyang i-sacrifice ito in the name of love.

“Family na ang magiging priority ni Pokwang,”  paliwanag niya. “Kung may trabaho, secondary na lang ‘yun. Masaya naman ang anak kong si May, magkasundo naman silang dalawa. Magkakampi nga sila lagi. Kung anuman ‘yung maging desisyon basta masaya kami. Kahit saan kami mapadpad sa mundong ito basta magkakasama at masaya kami okay sa akin. Dito kahit saan man ‘yan walang problema sa akin.”

Naka-move-on na si Pokwang sa mga trial na dumating sa buhay niya. ”Suportahan sa trabaho, sa pamilya ko lahat. Kaya ako naiyak kanina, habang ginagawa namin itong pelikula, nagbigay ng adjustment si Direk Wenn at ang Viva Films pati na rin ang ‘Nathaniel’. Kahit ganoon ang pinagdaanan ko bless pa rin ako dahil ang daming taong nagmamahal sa akin.”

ANIK-ANIK – Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Eddie Littlefield

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …