Wednesday , November 20 2024

Kings pinaluhod ang Magic

111715 NBANANGALABAW si Demarcus Cousins ng 29 puntos at 12 rebounds upang pasanin ang Sacramento Kings kontra Orlando Magic, 97-91 kahapon sa 2015-16 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Nag-ambag si Rajon Rondo ng 13 puntos, siyam na assists at pitong rebounds para ilista ang 5-9 karta ng Kings at ilaglag ang Magic sa 6-7 baraha.

Hawak ng Magic ang 65-61 bentahe subalit naglagak ang Kings ng 22-2 sa huling 5:03 minuto sa third quarter para agawin ang manibela, 67-83 papasok sa fourth period.

Nanging maganda ang pagbabalik ni Cousins sa laro matapos mapatawan ng one-game suspension dahil sa paniniko kay Al Horford ng Atlanta Hawks.

May inambag din si Marco Belinelli na 13 puntos habang kumamada pareho ng 12 markers sina Koufus Kosta at Casspi Omri sa Sacramento.

Si Evan Fournier ang nagtala ng maraming puntos para sa Orlando matapos tumikada ng 12 points, apat na boards at tig tatlong assists at steals.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *