WITH the projects na madalang pa sa patak ng ulan these days, kahit paano’y nagdudulot ito ng “economic pinch” sa showbiz family na ito.
Lalo pang may hatid na kurot ang kawalan ng regular na pinagkakakitaan ng pamilyang ito dahil na rin sa kanilang bonggang lifestyle.
Kamakailan, by accident na naispatan ng ilang miyembro ng press ang major member ng nasabing pamilya. Eto ang takbo ng kanilang kumustahan:
Reporter: Mommy, kumusta na?
Mommy: Hmmm, eto. Okey naman.
Reporter: Eh, mommy, kumusta naman si (pangalan ng anak nito)?
Mommy: (nag-iba ang timpla ng mukha) Naku, put…inang ‘yon, ‘di pa matsugi! Palamunin pa rin hanggang ngayon!
Ipinauubaya na lang po namin sa mga giliw naming mmbabasa ang pagkakakilanlan ng showbiz mom.
ni Ronnie Carrasco