Monday , December 23 2024

Ang kaligayahan ni Chiz ‘di maubos-ubos ang hirap ng Sorsogueño ‘di matapos-tapos!?

00 Bulabugin jerry yap jsyKUNG may masuwerteng tao sa mundo, mukhang isa na sa kanila itong si Heart ‘este’ Sen. Chiz.

Puwede na nga siyang tawaging ang lalaking punong-puno ng buwenas at suwerte.

Bantog na Sorsogueño si Chiz pero sa Quezon City siya lumaki, nanirahan at nag-aral. Ang kanyang academic background certified BATANG PEYUPS.   

Ang husay naman ‘e.

At ang husay at galing na ‘yan ni Chiz ay nagamit niya para huwag siyang dumanas ng hirap at huwag maindulto ang kanyang mga ambisyon at pangarap.

‘Yan si Chiz… as in very cheesy talaga!

Pero ‘yang husay at galing na ‘yan ni Chiz ay mukhang hindi niya nagamit  para iahon sa gutom at kamangmangan ang kanyang mga kababayang Sorsogueño?

Noong 2003 hanggang 2006 (si Chiz ay naging congressman na noong 1998 hanggang 2007), ang  poverty incidence sa lalawigan ng Sorsogon mula sa 43.5% ay tumaas sa 55.3%.      

Sa datos na nakalap mismo ng National Statistical Coordination Board (NSCB), noong 2003, hindi kukulangin sa 300,652 ang mahihirap na indibidwal sa Sorsogon ngunit noong 2006, ito ay umabot sa 395,434!

Again, si Chiz ay naging kinawatan ‘este’ kinatawan nila noong 1998 hanggang 2007.

Alam natin na wala siya sa local government unit (LGU) pero nasa Kamara siya at mayroong hinahawakang pondo sa ilalim ng country-wide development fund (CDF).

Napakasuwerte pa rin ni Chiz dahil inunawa siya ng kanyang mga kababayan.

Kaya naman nang tumakbo siyang Senador, muli na naman siyang pinagkatiwalaan at ibinoto ng mga kababayang Sorsogueño.

Ang katuwiran nila, baka sa pagkakataong ito, umaasa na matulungan na sila ni Chiz.

Malapit nang mag-full-term (9 years) si Chiz sa kanyang pagiging Senador kaya nga tumatakbo na siyang bise presidente, pero sa awa ng diyos ng mga TRAPO lalong dumami ang mga hindi nakapag-aral sa Sorsogon at mga nalulong sa droga.

Nanghihinayang talaga tayo sa husay at galing ni Chiz dahil hindi man lang niya na naging ‘showcase’ ng pag-unlad ang lalawigan ng Sorsogon.

Kung hindi tayo nagkakamali, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaaahon ang Sorsogon sa kategoryang ‘third class’ bilang probinsiya.

Nakalulungkot naman yata ‘yan.

Anyaree parekoy!?

Palagay natin ay isa ‘yan sa mga tanong na dapat niyang sagutin sa taumbayan.

Uulitin ko sasagutin hindi tutulain!

Sabi nga, ‘di bale nang kumakalam ang sikmura, ang importante busog at malusog ang utak.

Gusto na tuloy natin maniwala na ang mahabang suwerte ni Chiz ay hindi matapos-tapos habang ang paghihirap at pagdurusa ng mga Sorsogueño ay hindi matapos-tapos.

What the fact!?

Katarungan sa Maguindanao Massacre, anong petsa na?! (Anim na taon na ang nakalilipas)

NGAYONG araw ay anim na taon na ang nakararaan nang paslangin sa isang kahindik-hindik na massacre ang mahigit 50 katao kabilang ang 32 mamamahayag sa Maguindanao.

Ang sabi ni Pangulong Benigno S. Aquino III, titiyakin niya na bago matapos ang termino ng ‘daang matuwid’ ay maigagawad ang katarungan sa mga kaanak ng biktima.

Sa Hunyo 2016 ay matatapos an ang termino ni PNoy, matupad kaya niya ang pangakong, maigagawad ang katarungan sa mga kaanak ng mga biktima?!

Sa proseso naman ng pagdinig sa nasabing kaso, kumusta naman ang kalagayan ng mga kaanak ng mga biktima?       

Alam natin na karamihan sa mga napaslang ay siyang breadwinner sa pamilya.

Marami nga sa kanila ay naiwan ang maliit nilang mga anak sa kanilang mga maybahay.

Mula sa dating simpleng maybahay, marami sa kanila ang napilitang maghanap ng pagkakakitaan para maipagpatuloy ang pagpapaaral sa aknilang mga anak.

Maraming mga tao at organisasyon ang nangako na tutulungan ang mga naulila ng mga biktima, natulungan naman kaya?! Lalo na sa pag-aaral?!

Nagtuloy-tuloy naman kaya ang ayuda ni Gov Esmael Mangudadatu?!

Naniniwala naman tayo na hindi pinabayaan ni Gov. Mangudadatu ang mga naulila. Kung matatandaan inalalayan sila no’ng mga namatay sa paghahain ng kanyang kandidatura.

Kumbaga, kung dati ay urong-sulong si Gov. Mangudadatu sa pagtakbo, noong nangyari ang massacre, aba ‘e walang kahirap-hirap na nanalo siya sa eleksiyon.

Kaya nga marami ang nagtatanong, sino o sino-sino ba talga ang nakinabang sa Maguindanao massacre?!

Anyway, sabi nga ‘e nangyari na ang isang karumal-dumal na pamamaslang, ang hinahangad na lang natin ngayon  ay KATARUNGAN.

Kinuha na nga ni LORD ‘yung partiarka ng mga perpetrator, ‘di ba?!

Ngayong ika-anim na anibersaryo ng kanilang kamatayan, hinihikayat natin ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga mamamahayag na biktima ng karumal-dumal na pamamaslang sa Maguindanao massacre.

Alam nating maraming organisasyon ang maglulunsad ng iba’t ibang klaseng seremonya at protesta.

May mag-aalay ng bulaklak, magmamartsa at magra-rally sa kalye, magsusunog ng kung ano-ano at magsisisigaw-sigaw sa kalye.

Anyway, baka doon sila eksperto.

Sa bahagi natin, uulitin po natin ang kahilingan, mag-alay ng mataimtim na panalangin para makamit ng mga naulila ang katarungan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *