Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AlDub Nation album ni Blanktape, collector’s item para sa AlDub fans!

112315 Blanktape mojack pabebe aldub

00 Alam mo na NonieSINABI ng rapper na si Blanktape na ang kanyang latest at 4th album ay handog niya sa fans ng AlDub na inspirasyon niya nang ginagawa ang naturang album.

“Ginawa ko talaga ito para sa AlDub fans at collector’s item talaga ito. Nanonood ako lagi ng Eat Bulaga at ibang klase ang AlDub. Pero mas ibang klase ang fans nila, ang AlDub Nation na tinatawag. Kaya naisipan ko silang gawan ng kanta.

“Maganda ‘yung feedback, up-beat siya, danceable at madaling masakyan ng mga tao. Pa-good vibes yung kanta at siyempre andyan si Mojack, na masasabi kong ang galing ng tandem namin, nalalaro namin yung kanta, e. Kaya puwedeng masundan ito. Nagkakasama kami sa show, pero ngayon lang yung collaboration sa isang kanta,” nakangiting wika ni Blanktape.

Nabanggit pa ni Blanktape na 30% ng kikitain ng album ay ido-donate niya sa Happy Paws Pet Haven na ang founder ay si Rich Ann Catral, bilang ayuda sa naturang grupo na tumutulong sa pag-rescue ng mga aso. Kaya masasabing makabuluhang project ang latest album ng rapper.

Ginanap ang launching ng album niyang AlDub Nation (sa Tamang Panahon) sa Fishermall last Friday. Ito’y release ng GMA Records at ang carrier single nito’y ang Pabebe Wave. Ang iba pang cuts sa album ay ALDUB (Ang Tamang Panahon), My Bebe Love, ALDUB Nation at ang Ayaw Pakinggan.

Nakasama ni Blanktape sa album launching ang singer/comedian na si Mojack Perez, Manny Paksiw, ang bandang Big Time Drama at ang magandang singer na si Allysa Angeles. Nagsilbing host naman ang mga DJ na sina Papa Baldo ng 97.1 ng Barangay LSFM at Mon Biyahero ng 102.7 ng Star FM.

Sa panig naman ni Mojack, sinabi niyang, “Masaya ako na finally ay matuloy na itong collaboration namin ni Blanktape. Matagal na kasi naming plano ito, kaya salamat at finally ay natuloy din. Gusto naming mapasaya ang mga tao at ma-inspire rin ang ibang singers, kaya happy ako na nangyari na ito at nakasama ko sa isang song ang isang magaling na compositor/singer/rapper na si Blanktape.

“Kaya po kami gumawa ng album na Pabebe Wave, na-inspire kami sa sobrang sweet at kilig ng AlDub. Sobrang ang sarap nilang panoorin at maraming tao ang talagang gustong-gusto sila.”

 

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …