Mandatory Drug Test kailangan na para sa various networks’ actors and actresses
Jerry Yap
November 22, 2015
Opinion
PANAHON na para mismong ang mga television network and companies ang magsilbing pulis sa kanilang sariling talents at mga artista lalo na ‘yung mga sangkot sa kanilang araw-araw na produksiyon.
Marami kasi tayong nababalitaan na sila mismo ang target ng mga bigtime na drug pusher.
S’yempre dahil mayroon silang pera, kaya sila ang feasible prospect.
At dahil ang nature ng trabaho ng mga talent at artista ay sagsagan depende sa kahingian ng sitwasyon, kadalasan ay walang tulog dahil sabi nga, kapag gumulong na ang camera hindi na puwedeng pigilan ang tuloy-tuloy na trabaho lalo na’t ginaganahan ang mga artista, talents at director/s.
Kaya madaling nararahuyo ng mga pusher ng ilegal na droga ang entertainment industry.
Kumbaga, dahil sa sitwasyon ng kanilang trabaho, ang entertainment industry ay nagiging CAPTIVE MARKET ng malalaking bigtime drug pushers.
Sa ganitong sitwasyon, mayroong malaking pangangailangan at obligasyon ang management ng entertainment companies na ‘ipulis’ ang kanilang mga artista at iba pang talents laban sa ilegal na droga.
Hindi puwedeng kinakalinga lang nila ang kanilang artists and talents kapag pinagkikitaan nila pero kapag nagkaroon ng problema gaya nga ng pagkalulong sa droga ay ibabasura na nila.
Nauunawaan natin na ito ay malaking problema lalo na kung malalaking artista at nakapirma na sa kontrata, at nag pagkalulong sa droga ay may internal factor pero ang rason dito, ang mapanuksong kapaligiran ng entertainment industry.
Kaya nga mas kailangan na magkaroon ng mahigpit na pagsusuri ang mga kompanyang namamahala sa kanilang mga artista, talents etc., para masubaybayan kung ligtas pa sila laban sa ilegal na droga.
Ang pamamaraan gaya ng random drug test ay mabigat na rekesitos pero kung importante sa magkabilang panig ang kanilang ‘sources of income’ dapat silang mag-isip ng isang epektibong sistema kung paano ililigtas ang entertainment industry sa nakatatakot, malupit at mapangwasak na ilegal na droga.
Sa hinaba-haba ng ‘prusisyon’ sa bidding-bidingan din tumuloy? (Sa isyu ng NAIA CCTV)
KASUNOD ng sunod-sunod na insidente ng tanim-bala, itutuloy na raw ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pla-nong pagbili ng P486-milyong closed-circuit television (CCTV) system.
Magugunitang dalawang beses na isinalang sa bidding ang nasabing proyekto pero sa hindi malamang dahilan, walang nagtagumpay sa dalawang bidding dahil ang naging desisyon ay negotiated procurement na lang daw.
Ilang opisyal na ba ang nag-resign dahil diyan sa milyones na CCTV project na ‘yan?
Pero mukhang inaangalan ito ng ilang kompanyang lumahok sa bidding.
Anila, nagtataka sila kung bakit walang napili ang MIAA bids and awards committee sa mga kompanyang lumahok sa bidding gayong lahat naman sila ay sumunod umano sa itinatakdang mga panuntunan alinsunod sa batas.
At ngayong pumutok nga ang tanim-bala, parang biglang nagkaroon ng rason ang MIAA na pumasok sa negotiated procurement?
Sabi nga ng mga lumahok sa bidding, ano ang proteksiyon ng sambayanan sa negotiated procurement na ‘yan?!
Ang sabi pa, mukhang nagtagumpay daw ang sinasabing Kamaganak Inc., na masambot ang proyektong P486-milyong closed-circuit television (CCTV) system?!
By the way, ang huling balita ay nagsampa ng kasong graft sa Ombudsman laban sa ilang Airport officials and consultants ang isang Atty. Enrico Quiambao, abogado para sa Annex Digital Inc. and Geutebruck Pty. Ltd. joint venture, dahil sa negotiated procurement na ‘yan.
At ito ang matinding statement niya, “All these tanim-bala incidents would not have happened had the CCTV system been installed long time ago. But the project had been slowed down by attempts to rig the bidding.”
You can smell something fishy here?
Ano sa palagay ninyo?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com