Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ysabel Ortega, thankful kina James at Nadine!

111815 YSABEL jadine

00 Alam mo na NonieSOBRANG thankful ang magandang newcomer na si Ysabel Ortega sa pagiging bahagi ng top rating TV series na On The Wings Of Love ng ABS CBN. Ayon sa talent ni katotong si Ogie Diaz, hindi raw niya inaasahan na magiging part siya ng ser-yeng ito na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

“Nabalitaan ko na lang po na they want me to portray the role bilang Angela. So, grabe po talaga! Noong nalaman ko po halos mahulog po ako sa upuan ko, kaya talagang sobrang thankful po ako sa ABS CBN,” nakangiting kuwento niya sa amin.

Dagdag pa niya, “Dati po nanonood lang ako ng movie nina James at Ate Nadine, tapos talagang kinikilig-kilig ako. Tapos po ngayon ay katrabaho ko na sila, hindi ko po talaga expected ito. Nao-overwhelm po ako, dahil sobrang biglaan.

“Napaka-grateful po talaga ako na mabigyan ng chance na ganito, na maging part ng OTWOL. Biggest blessing po talaga ang pagkakasali ko sa OTWOL. It changed my life po ta-laga. Parang yun iyong what made my dreams come true talaga, na ngayon ay nandito na ho ako.”

Pahabol pa niya, “Dati, lalakad ako sa mall, walang titi-ngin sa akin, walang nakaka-kilala sa akin, ‘di ba po? Nga-yon, ‘Grabe ka Ysabel, layuan mo si Clark!’ Pati po mga teachers ko ay sinasabihan ako ng ganoon, affected na affected po sila,” nakatawang saad niya.

Kinabahan ka ba sa unang eksena mo sa OTWOL? “Si-yempre po sobra akong kinabahan, kasi veteran na rin sila ni Ate Nadine, kaya nakakakaba po.”

Sinabi rin niyang supportive si James sa kanya, na first ever niyang naka-eksena sa kanyang buhay artista. “Supportive po siya, marami po si-yang ibinibigay na tips. Kunwari po nang naging lasenggera ako, i-slur ko raw iyong salita ko nang kaunti, bagalan ko pa raw ng kaunti, medyo maging tipsy pa na parang mahuhulog daw ako. Ginagabayan naman po niya ako.”

Kumusta namang katrabaho si Nadine? “She’s very nice po, napakabait po niya talaga, wala po akong masamang masasabi to the both of them.”

Ano’ng unang sinabi sa iyo ni James nang nag-meet kayo? “Sabi po niya, ‘A… so, you’re the love triangle.’ Ganoon po,” nakatawang wika pa ni Ysa.

Paano kung ligawan ka ni James? “Ay, hala po! Hindi naman po siguro!” Nakatawang reaksiyon niya. “Hindi po, we’re friends lang po talaga, bawal po kay mama at bawal din po kay papa,” dagdag pa niya.

Si Ysabel ay solong anak ni Senador Lito Lapid sa comebacking singer na si Michelle Ortega na dating aktres at member ng That’s Entertainment.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …