Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tisoy patay sa dyowang private tutor

PATAY ang isang lalaking mestiso makaraang pagsasaksakin ng kinakasamang private tutor makaraang magtalo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Alejandro Calza Jr., 25, ng Phase 9, Package 6, Block 68, Lot 37, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Glenda Villanueva-Domingo, 33, live-in partner ng biktima, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Batay sa ulat ni SPO2 Allan Budios, dakong 4 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang bahay ng mag-asawa.

Ayon kay Senior Supt. Bartolome Bustamante, palaging sinasaktan ng biktima ang suspek kapag lango sa alak kaya marahil ay napuno na ang babae.

Sa salaysay ng ilang kalugar, narinig nilang nagtatalo ang dalawa hanggang makita nilang humahangos palabas ang duguang biktima na pagkaraan ay bumagsak.

Kasunod na lumabas ang suspek na may dalang patalim at mabilis na tumakas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …