Monday , November 18 2024

Pamamahiya ni Karen kay Alma, lantaran

111815 alma moreno karen davila

PERSONALLY, hindi kami malapit kay Alma Moreno, as there has never been a chance to build friendship.

Magkaiba rin ang siyudad na aming kinabibilangan bagamat magkapitbahay lang ang Paranaque at Pasay. Hence, walang dahilan para suportahan namin ang kanyang karera sa politika.

Pero kung sakaling botante kami ng Paranaque, mauunawaan naman siguro si Alma na malayo namin siyang iboto sa Konseho. Sabihin na nating mas marami ang karapat-dapat sa puwestong ‘yon, but who are we to tell if she’s fit or not, eh, matatapos na nga niya ang kanyang termino?

To top it all, naging national chairperson pa si Alma ng buong liga ng mga konsehal. Marahil, Alma must be discharging her functions to the hilt.

Now that her time is almost over, ang tinatarget na puwesto ni Alma ay isang senatorial seat. Kabilang siya sa UNA na nagsusulong sa presidential bid ni VP Jojo Binay.

We will not dwell on Binay amidst the controversies na kinakaharap nito, mas nakatuon ang aming ipapaksa tungkol kay Alma.

Kamakailan ay bumalandra sa Facebook ang kabuuan ng mahigit 23 minutong panayam ni Karen Davila sa programang Headstart kay Alma. May heading itong sa ikasiyam na minuto and its fraction, the interview got awkward.

Partikular na sinagot ng senatorial bet ang kanyang mga adbokasiyang nais isulong bilang batas. A feminist, Alma is purusing the Magna Carta for women. ”But there’s already a law on that which exists,” panonopla ni Karen sa panauhin.

Sinundan ito ng posisyon ni Alma tungkol sa Reproductive Health o RH Bill. Ani Alma, sang-ayon siya pero may “pero.”  Karen took it to mean na mayroong “reservations” si Alma sa isyu.

Sensing that Alma hardly understood kung anong ibig sabihin ng salitang “reservations,” tinagalog ‘yon ni Karen. Halatang nangangapa si Alma sa kanyang mga sagot, whose way of trying to evade the questions ay ang pagsasabing, ”Kailangan ko pa bang sagutin ‘yan?”

To which sa salitang Ingles (almost all throughout ay Ingles ang gamit ni Karen), walang kagatol-gatol na sagot ni Karen, ”Yes, because you’re running in the Senate!”

Si Alma ba—sa panayam na ‘yon—ang nagmukhang katawa-tawa dahil wala siyang maisagot?

Para sa amin, mas kinaawaan namin ang lantarang pamamahiya ni Karen sa kanyang guest gayong bilang host ay dapat nga niyang pangalagaan si Alma by asking questions that would not put her on the spot and worse, in a bad light.

Aware naman siguro si Karen sa mga limitasyon ng kanyang kaharap, ipamukha ba kay Alma ang kakapusan ng talino nito?

Naniniwala kami sa kasabihang (Ingles ‘to, Karen, ha?), ”All people may not be born with equal talents, but all people should be given equal opportunities to develop their talents.” (Tama ka riyan Ronnie, ganito rin ang pananaw ko na lantaran ang ginawang pamamahiya ni Karen kay Alma. Akala siguro ni Karen, porke mas marunong siyang mag-Ingles kay Alma, matalinong-matalino na siya, tsk tsk tsk—ED).

‘Yun lang!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *