Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga bagong mundo nina Yna at Angelo pagtagpuin na kaya sa Pangako Sa ‘Yo? (Tirso, Mickey, Bayani at Sue mga bagong karakter sa love drama serye)

112015 kathniel
Ipinasilip na ang bagong mundo ni Yna (Kathryn Bernardo) sa top-rating teleserye na “Pangako Sa ‘Yo” tampok ang pagbabalik niya sa bansa matapos ang dalawang taon pag-aaral sa isang culinary school sa Estados Unidos.

Sa episode na napanood simula noong Lunes ay mas makikilala pa ang bagong Yna at ang kanyang bagong buhay sa Filipinas, na kabaligtaran naman ng sinapit ni Angelo (Daniel Padilla). Kasabay ng pangako sa sariling kalimutan na si Yna, desidido rin si Angelo na bumangon sa buhay para na maitaguyod nang mag-isa ang kapatid na si Lia (Andrea Brillantes).

Simple man ang trabaho ngayon sa isang panaderya, puno ng pag-asa si Angelo na muling guminhawa ang kanilang buhay katuwang sina Tatay Greggy (Tirso Cruz III), Monay (Mickey Ferriols), at Kabayan (Bayani Agabayani) na nagsisilbing bago niyang pamilya.

Kaabang-abang din kung saan uuwi ang aso’t pusang awayan nina Angelo at ng kapitbahay niyang si Ligaya (Sue Ramirez) na naging malapit sa isa’t isa sa kabila ng kanilang madalas na pagtatalo.

Muli kayang magkrus ang landas nina Yna at Angelo pagkatapos ng dalawang taon? Tuluyan na kayang nakalimutan ni Angelo si Yna para buksan ang kanyang puso sa iba? At mauwi naman kaya sa totohanan ang awayan nina Angelo at Ligaya?

Bilang patuloy na pasasalamat sa suporta ng fans ng serye ay handog ulit nito ang isang Thanksgiving Day tampok sina Kathryn, Daniel, at ang buong cast ng “Pangako Sa ‘Yo” na gaganapin sa Fairview Terraces Mall sa Nobyembre 29 (Linggo), 5pm.

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Filipino, “Pangako Sa ‘Yo,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.

Samantala, maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Pangako Sa ‘Yo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …