Sunday , December 22 2024

Hindi parehas na coverage ng MSM halatang-halata

USAPING BAYAN LogoKUNG ano ang init ng “mainstream mass media” o MSM na i-cover ang naganap na karahasan na sa Paris (Pransya) ay siya naman lamig ng kanilang pagbabalita sa kahalintulad na karahasan na naganap sa Sinai, Ehipto (Egypt) at Beirut, Lebanon kung saan mahigit 250 na tao naman ang namatay.

Matatandaan na sinalakay ng mga terorista mula sa Islamic State nitong nagdaan na Biyernes (Nov. 13) ang Paris kung saan 120 tao ang nasawi. Dalawang linggo bago naganap ang pagatake sa Paris ay pinasabog ng mga parehong grupo ng mga terorista ang isang eroplano na pampasahero ng Rusya sa Sinai at 224 na tao naman ang namatay dito. Kasunod nito ay binomba ng pareho pa rin na grupo ang isang Mosque sa Beirut kung saan 43 na tao naman ang nasawi.  

Nakalulungkot ang mga trahedya na naganap Ehipto, Lebanon at Pransya subalit para sa isang mamamahayag na tulad ko ay mas nakalulungkot ang estado ng pandaigdigang na pamamahayag ngayon. Kitang-kita na hindi parehas ang turing ng MSM sa mga trahedya at pangyayari na nagaganap sa mundo.

Malinaw na halimbawa ang MSM Paris coverage na mas pinapahalagahan nila ang istorya’t buhay ng mga Pranses kaysa Ruso o Lebanese. Mas may kiling sila sa mga kuwento ng mga mamamayan mula sa magkakaalyado na mayayaman na kanluranin bansa (rich Western allied nations) kumpara sa mga mamamayan mula sa mga bansa na hindi kanlurani’t mayaman o kabilang sa kanluraning alyansa.

Kapansin-pansin na lahat ng anggulo tungkol sa atake sa Paris ay nabusisi ng MSM at ang mga kasunod na pagluluksa at pakikiramay ay nabigyan nila ng importansya kaya naibabalita maya-maya sa radyo’t telebisyon. Pero Pansinin na wala tayong narinig sa mga sumunod na pangyayari’t kaganapan kaugnay ng pagpapabagsak ng eroplano ng mga Ruso at ang pagatake sa isang mosque ng mga Lebanese Shiite.

Ultimo Facebook at You Tube ay nagpakita ng pagkiling sa mga biktima sa Paris sa pamamagitan ng pagbibigay ng option sa kanilang mga users na mag superimpose ng bandera ng France sa kani-kaniyang profile pictures gayong walang kahalintulad na option para sa mga gusto na maglagay ng bandera ng Rusya o Lebanon sa kanilang profile pictures.

Mapanganib ang ganitong sitwasyon lalo na sa tulad natin dito sa Pilipinas na halos limitado lamang sa MSM ang pinagkukuhanan ng balita tungkol sa daigdig. Hindi natin tuloy nakikita ang perspektiba ng ibang lahi o bansa dahil lunod tayo sa mga kargado na impormasyon at balita mula sa CNN, BBC, FOX at Al Jazeera (na mainstream na rin ngayon).

* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *