Paano nabuo ang painting session na ito? “Nagsimula ito dahil kay Ms. Ligaya ng NBI. Bale, after nitong painting session, posibleng i-exibit ito at yung kikitain, itutulong o ido-donate sa charity.
“Masaya ako na ginawa ito, first time ko ito, pero ang mas okay dito ay may matutulungan sa kawanggawa ang project na ito. Part ito ng pagsuporta ko rin sa art and bilang businesswoman, investment din ito na puwede ibenta in the future.”
Kabilang sa collection niya ng paintings ang kina Amorsolo at Malang. Magkano ang halaga ng pinakamahal niyang painting?
“Iyong kay Amorsolo binibili iyong painting ko ng P3 milyon, pero noon pa iyon, matagal na iyon. Marami akong nabiling paintings kay Mr. Romeo Lindain. Ako rin ang unang humingi sa kanya ng certificate sa mga binili kong paintings, para authentic talaga. Siguro, yung collection ko ng paintings, almost P10 million.”
Sinabi rin ni Ms. Baby na pangarap niyang magkaroon ng sariling art gallery at sinehan sa hinaharap. “Wala naman akong balak na ibenta ang paintings ko, lalo na yung Amorsolo at Malang. Kasi, who knows, magkaroon ako ng sariling gallery? O kaya, magkaroon ako ng sariling cinema at doon ko ilalagay ang mga collection ko. Iyan ang pangarap ko, dream ko talaga iyan. Na magkaroon ng sinehan, tapos sa lobby ay may art gallery na magdi-display ng mga paintings.”
Sa ngayon, ang mga pelikulang natapos na ni Ms. Baby at naghihintay ng playdate ay ang Child Haus, Sekyu, Iadya Mo Kami, Laut, at Tupang Ligaw. Nakatakda na rin nilang simulan ang Balatkayo, An OFW Story, Nuclear Family, at Tres Marias.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio