Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, walang karapatang magbigay ng opinion ukol sa acting

032415 Aljur Abrenica
ALJUR ABRENICA bilang kaeksena, yes. Pero para magbigay ng opinyon tungkol sa acting? Teka, it’s spelled H-E-L-L-O in capital letters!

Natawa na lang kami sa isang acting drill sa Starstruck na kaeksena ni Aljur ang tatlo sa mga natitirang female avengers.

Si  Gina Alajar ang nagdirehe ng eksenang ‘yon na isang galit at umiiyak na nobya kausap ang boypren sa telepono papalabas ng kanilang magarang bahay.

It turned out na ang nobyong hinihiwalayan ng babae ay ang motorcycle-riding na si Aljur, na nagpanggap bilang pizza deliveryboy with matching bouquet of flowers para amuin ito.

Hiningan siyempre ng komento si Aljur habang isa-isang kaeksena ang tatlong girls. Kesyo, ”May focus siya…hindi siya bumibitaw sa eksna…Magaling siya…Hindi siya na-distract kahit nagpapa-cute ako,” were all Aljur’s carried comments.

Sa totoo lang, anong karapatan mayroon si Aljur to pass acting judgment, eh, siya mismo ay banong umarte, ‘no?!

Kung hindi mo nga kilala ang bagong batch ng Starstruck, iisipin mo na sila pa ang mas matagal nang nasa showbiz at sanay nang umarte, habang si Aljur ang showbiz aspirant pa lang.

Hindi tuloy namin maiwasang magbalik-tanaw noong, ”magluka-lukahan” si Aljur sa GMA na humiling na magpa-release as certain conditions kaugnay ng plano ng network sa kanya were not met.

We also can’t help na ikompara rin si Aljur na itinanghal na Ultimate Hunknoon during his Starstruck batch as opposed sa talunan na si Alden Richards na ‘di hamak na mas mahusay umarte kaysa kanya at mas maganda ang takbo ng career.

Wala na bang mapitas ang GMA mula sa puno ng mga young male artists nila, credible enough na makipagsabayan ng acting sa this season’s batch ng nasabing artista search?

Please, NOT Aljur who needs to be workshopped!

 

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …