Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ysabel, pinagbantaang tutusukin ang mata (Dahil sa pagiging 3rd wheel sa JaDine)

 

111815 YSABEL jadine

NAIIRITA ba ang maraming JaDine (James Reid-Nadine Lustre) sa malanding si Angela Stevens na kung makatitig kay Clark ay gusto itong ahasin kay Leah sa teleseryeng On The Wings of Love?

Kung ang pagkaimbiyernang ‘yon ng mga tagahanga is any indication, then effective sa kanyang malanding pagganap bilang third party si Ysabel Ortega.

Sa mga hindi pa lubos na nakakikilala sa 16-anyos na bagets na ito, Ysabel is the only love child ni Senator Lito Lapid at dating That’s Entertainment member na si Michelle Ortega. In showbiz circle, isang open secret ang kanilang relasyon, or shall we say, ang kanilang naging relasyon.

Ysabel’s parents drifted apart about four years ago, “Si mom ang nakipaghiwalay. Siyempre, ayaw pumayag ng dad ko. Gusto na kasi ng mom ko na magbagong-buhay.”

By pagbabagong-buhay, what Ysabel meant ay gusto raw ng kanyang ina na muling maging aktibo sa showbiz. And to get it started, ipinagpatuloy ni Michelle ang kanyang recording career, the same career path na nais ding tahakin ni Ysabel.

Kung apat na taon nang hiwalay ang senador at si Michelle, nagsusustento ba ang dating action star sa kanilang mag-ina? “Mayroon naman po. Pero ‘yung pagso-showbiz ko, ayaw talaga ni daddy kasi he wanted me to focus on my studies. Pero ang mom ko, very supportive.”

Patunay nga ang all-out support ni Michelle ay ang pagiging bantay-sarado nito. Bagay na hindi na namin pinagtakhan dahil Michelle’s mom ay tulad din niya during her That’s Entertainment days.

Mukhang dapat talagang maghigpit ng seguridad para iwas-panganib ang simpatikang bagets. Nakararanas kasi siya ng mga banta mula sa kanyang mga basher on social media being the third party nga sa OTWOL.

Umabot na raw kasi sa puntong may mga nagbabantang, “Tutusukin namin ang mata mo!” just because she’s laying her amorous eyes on James.

In fairness though, may mga nakauunawa naman sa demands ng kanyang character. And Ysabel is just too thankful na sa unang teleserye niya ay napansin agad siya.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …