MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang ginawang interview ni Karen Davilla sa senatorial candidate mula sa partidong Una na si Alma Moreno na sinabing palpak sa ilang sagot niya sa sikat na news anchor host ng ABS-CBN.
Kasi naman feeling, yata ni Karen ay kasing-talino niya na mahusay magsalita ng English na kayang makipagsabayan sa kanya ang panauhin ng araw na iyon sa kanyang well-watched morning show sa ANC Channel na “Headstart.”
‘E kaso si Vanessa Moreno Laxamana a.k.a Alma Moreno nga ang kanyang kaharap na sa tagal ng panahon sa showbiz at politika ay never naman itong nag-pretend na intelihente siyang tao.
Actually kung tutuusin sa kaliwa’t kanang ‘bashing’ na ipinupukol ngayon ng mga feelingero’t feelingerang netizens kay Ness ay very damaging talaga sa part niya ‘yung ginawa sa kanya ni Karen na sa buong interview ay walang patid sa kanyang English sa ibinatong questions sa actress/politician.
Sey ng kausap naming isa sa mga diehard supporter ni Ness, wala raw bang pakiramdam si Karen at nakita na niyang hirap na siyang sagutin ni Alma sa iba’t ibang issue sa lipunan pero ipinagpatuloy pa rin ang pamamahiya sa idol nila.
Nandoon na tayo na ginagawa lang naman ni Karen ang kanyang trabaho pero sana nagkaroon din siya ng konting konsiderasyon para kay Alma nang hindi naman nagmukhang tanga on national television.
At kung makababawas sa boto ni Ness ‘yung nangyari sa panayam ni Ms. Davila? Sa aming palagay ay hindi dahil love ang actress ng mga supporter niyang councilors sa buong bansa.
Hindi kami close sa actress, pero naniniwala kami sa mga plataporma niya na kanyang isusulong sakaling maluklok siyang senador sa 2016 national elections.
Magsitigil kayo gyud!
Stars ng hit teleseryes ng ABS-CBN kasama ng mahuhusay na Kapamilya singer magsasanib-puwersa para sa kanilang maagang pamasko ngayong Linggo sa Trinoma
Makisaya at tunghayan ang kauna-unahang pinakamalaking event sa pagsasama-sama ng stars ng Kapamilya shows na Ang Probinsyano, On the Wings of Love, at Doble Kara na magdadala ng saya at magbibigay ng maagang pamasko sa “Kapamilya Krismas 3” ngayong November 22 (Linggo) na gaganapin sa Trinoma Mindanao Open Parking dakong 4pm.
Abangan sina Coco Martin, Richard Yap, Maja Salvador, Agot Isidro at iba pang cast ng pambansang teleserye ng Pinoy na “Ang Probinsyano” na maghahandog ng mga sorpresa para sa fans. Hindi rin naman magpapahuli ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre kasama sina Albie Casiño at ang iba pang mga bida ng “On the Wings of Love” na siguradong magpapakilig sa mga manonood.
Kasama rin sa kasiyahan ang stars ng “Doble Kara” na pangungunahan nina Julia Montes, Sam Milby, Maxene Magalona, John Lapuz at Alora Sasam na mas ipaparamdam ang Kapaskuhan sa Kapamilya viewers.
Bukod sa mga bida ng sikat na ABS-CBN teleseryes, maghahandog din ng isang OPM concert ang ilan sa pinakamahusay na singers ng bansa na sina Gloc-9, Erik Santos, KZ Tandingan, Morissette, Daryl Ong, at Ebe Dancel.
Huwag palampasin ang saya at kilig na ihahandog ng cast ng top rating teleseryes sa “Kapamilya Krismas 3” ngayong November 22 sa Trinoma Mindanao Open Parking.
Para sa karagdagang impormasyon, mag- log-on lamang sawww.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN sa Facebook at Twitter (@abscbndotcom). Ang nasabing special event ay hatid ng ABS-CBN Publishing, ABS-CBN TV Plus, ABS-CBN Store, iWant TV, Star Music at Trinoma Ayala Group of Companies.
Loveteam nina Maris Racal at Marco Gumabao at ligawan nina Rommel at Sylvia sa ‘Ningning’ cute ang dating sa TV viewers
Good vibes ang hatid tuwing umaga ni Janna Agoncillo sa Ningning kasama ang kanyang tatay Dondon (Ketchup Eusebio), Mamay Pacita (Sylvia Sanchez) at si John Steven de Guzman (Macmac) na kanyang kaibigan at kaklase sa pinagbibidahang daytime comedy drama serye sa ABS-CBN.
Patok din sa TV viewers ang loveteam nina Maris Racal at Marco Gumabao bilang Nina at Pido na ang drama ni Maris ay dine-deadma si Marco dahil ayaw niyang paligaw sa lalaki kaya tuwing magka-chat sila sa FB ay lalaki ang pakilala niya sa kanyang sarili.
Pero mapipigilan ba ni Nina si Pido lalo’t makulit na makilala siya. Kung love and hate ang magiging drama ng dalawa sa Ningning aba’y sobrang makulay naman ang mundo ni Mamay Pacita dahil nagtapat ng pag-ibig sa kanya ang negosyanteng si Mang Cris (Rommel Padilla) na non-stop ang panliligaw sa kanya at madalas magpadala ng tinda niyang barbecue sa bahay niya with matching love notes pa. Nagtagumpay naman ang matandang binata at sinagot na siya ni Pacing nang matamis nitong Oo.
Pero teka paano na si Dondon, na matagal na ring biyudo sa kanyang misis na si Lovely (Beauty Gonzales), makatagpo na kaya siya ng bagong babaeng mamahalin sa katauhan ng teacher ng kanyang anak na si Ningning na si Hope na ginagampanan naman ni Ria Atayde? Bakit hindi ‘e, close na rin si Dondon kay Teacher Hope at sa lolo nitong si Kiko (Freddie Webb).
Si Otep (Vandolph) pala inaalok na ng kasal ang nobyang si Ligaya (Mercedes Cabral). O di ba, hindi lang family drama ang kuwentong tinatalakay sa Ningning kundi ang buhay pag-ibig ng mga character ng mga nagsisiganap rito.
May aral ding hatid ang Ningning lalo na sa mahihirap na pamilyang Pinoy na hindi porke mahirap ay wala nang karapatan maging masaya.
Naisalarawan nang buong-buo ni Direk Jeffrey Jeturian ang totoong realidad ng buhay na siyang dahil kung bakit marami ang sumusubaybay sa kanilang palabas na mapanonood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime-Tanghali.
Feel good soap opera gyud!
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma