“Siyempre, kapapasok ko lang po sa showbiz, tapos nabigyan agad ako ng serye, so siyempre, ‘yung mga tao, ‘sino ‘tong taong ito?’” ani Anjo nang makausap namin ito sa isang tsikahang ipinatawag ng kanyang manager na si Ogie Diaz.
Unang napanood si Anjo sa Forevermore ni na Liza Soberano at Enrique Gil na agad nasundan nitong Doble Kara. May lang pumasok o pumirma ng kontrata sa showbiz si Anjo at agad siyang nabigyan ng magagandang teleserye. ”Mabilis nga po kaya very thankful ako. Actually two years na po ako pumipila sa ABS, naghihintay lang po ako ng project. Ilang beses na po akong pinaaakyat kay Mr. M (Johnny Manahan) eh, mukhang batang-bata pa po kasi ako noon, mga 15-16 years old,” pagbabalik-tanaw ni Anjo.
At dahil baguhan pa lamang, aminado si Anjo na napi-pressure siya sa kanyang role sa Doble Kara dagdag pa na puro magagaling at de-kalidad na actor ang kasama niya.
“Siyempre napi-pressure ako kasi first ko pero I will get used to it kasi sobrang mababait silang kasama, sobrang bait sila. I feel this is my home at sila ang mga kapatid ko. Masarap silang katrabaho, masaya, okay ako,”sambit ni Anjo.
Aminado naman ang batang actor na na-insecure siya sa pagpasok niSam Milby sa Doble Kara. And at the same time na-threaten siya.
“Na-insecure po ako kasi, sino ba naman si Sam Milby? Sino ba naman si Edgar Allan Guzman? And mas sino naman po si Anjo Damilles, ‘di ba?
“Na-threaten din po ako noong una at nagulat na, ‘uy, ba’t pumasok si Sam, papasok din ba siya sa love triangle namin?’ Pero habang tumatagal po, naiisip ko na ‘wag akong ma-threaten kasi this is the job na pinasok ko. Talagang may papasok at papasok na mga karakter, so kung anong mangyari, I will just go with the flow, trabaho lang,” paliwanag pa ni Anjo na pamangkin ng beauty queen na si Aileen Damiles.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio