Friday , November 15 2024

Suporta ng volunteers kay Leni lumolobo

PATULOY ang paglobo ng bilang ng volunteers mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa pagtakbo ni Leni Gerona Robredo, ang vice presidential candidate ng Liberal Party, katambal ni pre-sidential candidate Mar Roxas.

Nagtipon-tipon ang volunteers mula sa civil society organizations, propesyonal, may-ari ng small at medium-size enterprises, academe at mga estud-yante, ang iba’y galing pa sa labas ng Metro Manila, sa Club Filipino kamakailan upang magpahayag ng suporta sa panalo ni Robredo.

Ayon sa isang volunteer mula Palawan, naintindihan niya kung bakit hindi personal na makakapunta si Robredo sa kanyang komunidad sa Coron ngunit nangako siyang magdadala ng video ni Robredo para makombinsi ang pamilya, kaibigan at mga kababayan na suportahan ang kanyang kandidatura.

Nagdala naman ang isa pang volunteer na si Teresita Arguelles ng bracelets na mayroong simbolo ng tsinelas na nagpapakita ng uri ng liderato na nakilala ang mga Robredo. Nais rin niyang masaksihan ang panunumpa ni Robredo bilang bise presidente sa 2016.

Inilatag din ang hamon sa mga volunteer na “dalhin si Leni sa kani-kanilang mga tahanan.”

Dumalo sa event ang anak ni Leni na si Aika, kasama ang mga miyembro ng pamilya Gerona at Robredo. Sa nasabing pulong, todo ang pasasalamat ni Aika sa mga dumating na volunteers.

“Maraming salamat sa pagyakap niyo sa aming pamilya,” wika ni Aika. “Ayaw namin na maupo lang at magmasid. Kailangan namin siyang tulungan para manalo.”

“Ang kanyang panalo ay panalo para sa sambayanang Filipino,” dagdag ni Aika.

About Cynthia Martin

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *