Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, humanga sa katalinuhan at sensiridad ni Daniel

111715 daniel padilla mar roxas

00 SHOWBIZ ms mNAGING viral sa social media ang video interview ni Daniel Padilla kay Presidentiable Mar Roxas kamakailan, ito ‘yung Tanong ni Daniel Padilla Para sa Kabataan. Bagamat may mga ‘di sumang-ayon, mayroon din namang mga natuwa.

Dahil sa video interview, may mga nagtatanong na netizens kung si Roxas daw ba ang sinasabing susuportahan ni Daniel sa darating na presidential election sa 2016? Wala pang sagot na ibinibigay si Daniel ukol dito kaya marami ang nag-aabang.

Kasunod naman ng interbyung iyon ay ang pag-post ni Korina Sanchez-Roxas sa kanyang Instagram account ng, “Went to Teen King Daniel Padilla’s beautiful house for his interview with husband Mar on several issues that kids today are wondering about like traffic, Yolanda, jobs, etc.

”I’m so impressed with Daniel. Matalino, nakatapak ang paa sa lupa, masipag, sincere—and so very cute, ha ha. Napakaganda ng pagpapalaki ng mommy ni Daniel sa kanya (Karla Estrada).”

Sa picture na naka-post, magkakasama sina Korina, Mike Planas (stepdad ni Daniel), Congressman Dan Fernandez, at Secretary Mar na may caption na, “Thank you, Daniel and Karla, for believing in Mar and giving him the chance to explain issues through you. Mahal namin kayo.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …