Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim at Enchong, puwede nang maging career ang pagho-host

111715 kim chiu enchong dee
SUPER dami na rin pala ang fans ni Darren Espanto. ‘Di ko alam kung kanino nanggaling ang tickets ng fans ni Darren gayong kaming mga taga-PMPC ay hanggang limang tickets lang ang ibinigay.

Win ng Album Cover Concepts and Design ang kanyang napakagandang album at siya rin ang itinanghal bilang Pop Album of the Year winner.

Kumanta rin si Darren at lalong umingay ang kanyang fans.

111715 darren espanto

Ibinulgar ni Christian Bautista sa kanyang  acceptance speech na cellphone lang ang kanyang ginamit sa video na The Way We Are lalo na ‘yung eksena nila ni Rachelle Anne Go na kinunan sa abroad.

Napaiyak naman si Glaiza de Castro nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng Female Rock Artist of the Year. After accepting her award, umalis kaagad si Glaiza with matching bodyguards, may flight pa raw siya, ewan ko kung saan siya pupunta.

Over naman ‘yung babaeng kasama ni Glaiza na nagkukunyapit talaga sa aktres papalabas ng venue kaya ni isa ay walang nakapagpakuha ng larawan kay Glaiza dahil parang  hunyango na nakakapit ang babaeng kasama.

050715 glaiza de castro

Ako ang nag-abot kay Sabrina ng trophy bilang Female Acoustic Singer winner. Very thankful si Sabrina at first time raw niyang makatanggap ng award. Pero teka, nakalimutan yata ni Sabrina na, siya ang itinanghal na Best New Female Recording Artist noon ng PMPC Star Awards For Music.

Kahit itanong pa niya kay Tita Sherbet Ilacad.

Puwede nang karerin nina Kim Chiu at Enchong Dee ang pagho-host.

Anyway, congratulations sa winners and see you next year.

 

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …