Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jervy Cruz ipinasa sa Ginebra

111715 Jervy Cruz
ISANG trade ang inayos ng PBA kahapon bago ang biyahe ng liga patungong Binan, Laguna para sa doubleheader mamaya sa Smart Bro Philippine Cup.

Ayon sa isang source, mapupunta sa Barangay Ginebra si Jervy Cruz mula sa Barako Bull kapalit ni Rodney Brondial.

Matagal na planong i-trade ng Energy si Cruz ngunit kahapon lang ito naayos at inaasahang aaprubahan ito ni Komisyuner Chito Narvasa anumang oras.

Inaasahang lalaro na si Cruz para sa Gin Kings mamaya kontra Meralco habang si Brondial naman ay sasabak para sa Barako kontra Mahindra ngayon din.

Binanggit din ng source na mas magagamit nang husto si Cruz sa Ginebra dahil sa husay niyang tumira sa labas na tamang-tama sa pagtakbo ni coach Tim Cone sa triangle offense ng Gin Kings.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …