Tonyo: Iinom ka o magyoyosi?
Pulubi: Wala po akong bisyo.
Tonyo: Okey. Sumama ka sa akin para malaman ng nanay ko ang nangyayari sa taong walang bisyo
***
Anak: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga ali-taptap… )
Anak: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!
***
SIOPAO
Kulas: Miss, isa ngang siopao… ‘yung babae.
Waitress: Babaeng siopao?
Kulas: Oo. ‘Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganoon po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki?
Waitress: Kasi po, may itlog sa loob.