Thursday , December 26 2024

Saliwa mag-isip ang mga nasa poder

USAPING BAYAN LogoHINDI dapat baliwalain ng mga pinuno ng pamahalaan ang ulat kaugnay ng laglag bala extortion scheme sa Ninoy Aquino International Airport dahil tiyak na maapektuhan nito ang industria ng turismo at transportasyon.

Dapat imbestigahan ng malalim ang isyu kaysa na pagisipan ng mga kenkoy na palusot tulad ng sinasabi ng isang opisyal ng NAIA na dahil malapit na ang eleksyon, ang tanim bala sa airport ay pakana lamang daw ng oposisyon para siraan ang kasalukuyang administrasyong Aquino.

Hehehe, hindi ko alam na “frustrated standup comedian” pala ang tao na ito.

Bukod sa pagiimbestiga, dapat din na huwag na munang kumibo ang mga amuyong ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III tungkol sa isyu ng laglag bala hangga’t hindi natatapos ang gagawin o ginagawang imbestigasyon.

Mukhang hindi isolated incident ang mga report ng laglag bala sa media kasi “open secret” naman na matagal na modus na iyan sa NAIA. Mas madalas na droga ang ipinapatak sa mga biyahero at kung walang droga o bala na pampatak ay ninanakaw na lamang ng tahasan ang bagahe.

Onli in the Philippines.

* * *

Naulinigan ko sa radio kamakailan na sinasabi ng isang mataas na opisyal ng Department of Tourism na pinalaki lamang ng media ang isyu sa laglag bala at dahil dito ay nanganganib tuloy ngayon na maapketuhan ang industria ng turismo sa bansa.

Sa madaling salita, kasalanan ng mga tulad ko na mamamahayag o media ang pagkakamulat ng bayan tungkol sa mga anomalya na nangyayari sa NAIA.

Ang gusto pala ng ugok na ito (sayang at hindi ko nakuha ang pangalan) ay huwag na natin talakayin o ibalita ang isyu tungkol sa laglag bala para tuloy ang negosyo…negosyo ng mga kawatan sa NAIA.

Haaaay bakit kaya ganito ang mga opisyal natin, saliwa magisip.

* * *

Pupusta ako na malamang (halos 90 porsyento na sigurado) na ang nasa likod ng pagpatay kay Ginoong Quintin Paredes San Diego ay may kinalaman kundi man tuwiran na may papel sa mga pangungurakot sa kaban ng bayan. Tiyak ko rin na paiimbestigahan ito ng pamahalaan pero malabo na may mangyari rito dangan kasi tiyak ko na maimpluwensiya ang mastermind ng krimen.

Lame duck o wala ng tibay ang pamunuan ni BS Aquino III dahil patapos na ang kanilang termino sa Malacanang. Malamang na kung sino man ang mauutusan na imbestigahan ang krimen ay magpapapetik-petik na lamang hanggang sa maupo ang kasunod na administrasyon.

Malaki ang papel na ginampanan ni Ginoong San Diego sa pagtutol laban sa pangungurakot sa kaban ng bayan kabilang na rito ang iskema ng Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Harinawa ay huwag panghinaan ng loob ang mga kasama ni Ginoong San Diego sa pakikibaka laban sa korapsyon sa ating bayan.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *