Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, nalulula sa big projects na ibinibigay sa kanya

031115 janella salvador

00 SHOWBIZ ms mSOBRANG thankful ni Janella Salvador dahil binigyan at pinagkatiwalaan siya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde para pagbidahan ang Regal filmfest entry na Haunted Mansion.

Ayon sa mag-inang Lily at Roselle, hinog na si Janella para magbida sa obra ni direk Jun Lana.

Hindi naman itinanggi ni Janella na nalulula siya sa bilis ng mga pangyayari. Mula nga naman kasi sa Be Careful With My Heart noong 2012, nabigyan din agad ng biggest break sa TV, ang Oh My G! na lalong nagpatingkad sa kanyang pagiging teen actress.

Nagbida rin siya sa iba pang shows ng Kapamilya Network tulad ng Maalaala Mo Kaya, Wansapantaym at iba pa. Marami na rin siyang awards na natanggap. Ngayon nga ay binigyan ng titulong OPM Pop Sweetheart si Janella dahil sa best-selling album niya mula sa Star Music. Kaya sae dad 17, masasabing lubos-lubos na ang achievement niya.

Kaya kampante ang mag-inang Monteverde na i-launch ang teen princess sa Haunted Mansion na susubok sa kahusayan ni Janella.

“She’s very fresh, modern at sure na papatok sa kabataan ngayon,” confident na sabi ni Mother Lily. “At this age of social media, isa si Janella na binigyan namin ng break sa Regal dahil malakas ang charm niya at she’s very talented! Malawak na ang fan based niya’t I believe that she will be a big name in the industry,” giit pa ni Mother.

Samantala, okay lang kay Janella kahit pagbawalan siya ng kanyang ina na makipag-boyfriend dahil hindi pa rin naman niya nararamdamang tumitibok ang puso niya para sa isang lalaki.

“Hindi ko pa naman napi-feel na kailangan ko,” ani Janella nang makausap namin kahapon sa pocket presscon ng Haunted Mansion, na   official entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa December 25.

Bawal din daw sa kanya ang makipag-date at kahit hindi bawal, wala naman din daw siyang time dahil nga mas focused siya sa kanyang career.

“Everything big is coming sabay-sabay and hindi ko alam what I did to deserve it. Pero napaka-happy ko and I don’t wanna call myself lucky, gusto ko blessed, kasi napaka-strong din ng faith ko na lagi akong nagpe-pray na thank you for everything,” giit pa ng tinaguriang Darling Teen Princess.

Kasama ni Janella sa Haunted Mansion sina Mario Mortel at Jerome Ponce.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …