Aminado si Yap na ibang-iba ang role niya bilang si Mr. Tang, leader ng child trafficking syndicate sa Ang Probinsyano. ”Nakita ko na it’s something different, very action-packed, mabilis ang story at sobrang ganda ng pagkagawa. So, I wanted to be part of it. Sabi ko, kahit na kontrabida,”anito sa solo presscon niya ng Dreamscape Entertainment kahapon.
Ini-request pala talaga ni Richard na masali siya sa Ang Probinsyano. At ito ang kauna-unahang kontrabida role niya.
“I’ve been watching kontrabida na movies and serye but I’ve been watching the foreign ones also. Kasi action type ‘to, eh. So I want to find a level na medyo mas angat.”
At dahil kontrabida, hindi naman nag-aalala si Richard na kamuhian ng publiko bilang kontrabida. ”Well, this is a challenge for me kasi I don’t want to be stereotype na itong role lang na ito ang pwede kong gawin, good guy role. So I want to challenge myself, I want to learn also from the other actors, kung paano gawin as a kontrabida kasi iba ‘yung atake rin dito, eh. Iba ‘yung mindset mo. Actually, mas stressful siya. It’s really something different but I want to do it because I want to challenge myself, I want to improve myself in my craft.”
At alam n’yo ba kung sino ang peg ni Ser Chief sa pagganap bilang si Mr. Tang? Walang iba kundi si Jet Li. ”If you watch him doon sa ‘Lethal Weapon 4’, parang ganoon,” paliwanag pa ni Ser Chief. At hindi lang ang pagiging kontrabida ang susubukan ni Richard dahil pati mag-action ay gagawin niya.
“We’ve taken a few actions scenes already pero hindi pa naipalalabas. Pero hindi pa kami nagkasagupaan. Medyo ano rin, it’s actually very physical also. Very taxing din, physical-wise.”
Hindi naman nag-aalala si Ser Chief na magiging negative ang dating ng pagiging kontrabida niya. ”Sabi nila, kahit na raw naging head ako ng sindikato, sasama na lang daw sila,” nakangiting paliwanag pa ni Ser Chief na naman daw ibig sabihin nito ay pagiging kontrabida na lang ang gusto niyang gawin. Mas gusto raw niya na magampanan ang iba’t ibang klase ng roles.
“So I might play a bad guy here, next time baka balik tayo sa good guy, so it depends. It might be romance next time, it might be comedy, it might be action, so we’ll try everything first and then we’ll se how it goes.”
Sa kabilang banda, nasabi pa ni Richard na dream niyang maging James Bond kaya siguro inuumpisahan na niya gumanap ng mga ganitong klase ng role.
Kaya abangan natin kung bagay nga ang maging leader ng sindikato si Richard at abangan ang mga stunt na gagawin niya.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio