Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pokwang, gusto nang magpakasal sa American BF

062315 pokwang Lee O’Brian

00 SHOWBIZ ms mHINDI itinanggi ni Pokwang na gusto na niyang mapakasalan siya ng kanyang American BF na si Lee O’Brien.

Mag-iisang taon na rin namang magkarelasyon sina Pokwang at ang actor na si Lee kaya hindi kataka-takang mapag-usapan na rin nilang dalawa ang ukol sa pagpapakasal.

Sa interbyu ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Pokwang na hindi siya nangangarap ng bongang kasal, ”Kahit nga karinderya lang, basta masaya kaming magsasama.”

Aminado naman si Pokwang na masaya siya sa piling ni O’Brien kaya naman ito na talaga ang gusto niyang makatuluyan. Masaya rin at maganda ang takbo ng career ni Pokwang at sa November 18 ay ipalalabas na ang kanyang Wang Fam movie na idinirehe ni Wenn Deramas mula sa Viva Films.

Ginagampanan ni Pokwang ang pangunahing papel ni Malou, ang bukod-tangi at pinakahuling “virgin” ng isang asawang clan.

Kasama rin sa Wang Fam sina Benjie Paras, Andre Paras, Yassi pressman, Alonzo Muhlach, Abby Bautista, Candy Pangilinan, Wendell Ramos, Atak Arana, at Dyosa Pockkoh.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …