Thursday , December 26 2024

PCSO pumiyok na sa panggugulang ng STL operators

00 Bulabugin jerry yap jsyANG daming naging chairperson ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) pero ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob na isiwalat ang tila malaking ‘nakawan’ sa remittances ng STL (Small Town Lottery).

Ayon mismo sa National Bureau of Investigation (NBI) hindi kukulangin sa P50 bilyones ang nawawala sa gobyerno dahil sa hindi totoong deklarasyon ng mga STL operators.

Nang buksan ng gobyerno ang STL noong 1987, umasa sila na matutuldukan ang jueteng.

Lumalabas kasi na ang mga nabigyan ng permisong mag-operate ng STL ay nagmamantina rin ng jueteng.

Kung tutuusin nga raw ay nagamit pa ang legal na kaanyuan ng STL ng mga kobrador ng jueteng kaya nga mas lalong naging maluwag ang operasyon nila.

Sa pagtantiya, ang STL ay kumikita ng P50 bilyones bawat taon pero ang idinedeklara lang umano ng mga operator ay P4.5 milyones.

Ayon kay Chairman Ayong, “Kitang-kita ang mga ebidensya hindi sumusunod ang mga operator na ‘yan sa IRR na ini-impose ng PCSO. ‘Yung merong mga bawat probinsiya o bayan ay meron talagang designated kung saan sila dapat mag-draw hindi naman daw sila nagdo-draw. Pero napakaraming bookies area na doon sila nagdo-draw and on top of that pati minors ini-employ nila as kobrador.”

Buking na buking daw ang mga paglabag ng STL operators sa ginawang pagsalakay ng NBI sa Nueva Ecija, Laguna, Batangas, Quezon, Bulacan at Olongapo.

Bilyon-bilyong piso pero halos P800 milyon lang ang ibinibigay sa PCSO.

Sabi pa ni Chairman Ayong, “Yung kanilang koleksyon talaga mga 4 billion a year. Napakaraming binabawas, kung ano-ano… Basta in effect ang napasok lang sa PCSO na pondo ay P800-million.”

Mantakin ninyo, ang pera pala ng dukha ay umaabot sa bilyones?!

Sino ba ang tumataya sa STL at jueteng? Definitely hindi sila casino player.

Sila ‘yung maliliit nating kababayan  na naniniwala sa malas at su-werte…

‘Yung paniniwalang pwede silang yumaman sa biglang pagyaman na walang ano mang puhunan kundi ang tumaya sa Lotto, STL o jueteng?!

Kaya ang ibig sabihin lang po, mga maliliit na mamamayan po ang ninanakawan ng STL operators na ‘yan.

Sana naman, kung magiging seryoso sa kampanya  ang gobyerno sana’y gamitin nila para sa mahihirap ang pondo ng PCSO.

‘Yun lang!

PAL Domestic Flight’s Business or Premium Class walang ka-class-class

Ang inyong lingkod ay nagpa-booked sa business class ng Philippine Airlines (PAL) para sa isang biyahe sa Bicolandia nitong nakaraang weekend.

Pero nagulat lang po ang inyong lingkod, kasi ang business class pa nila ay ‘yung nasa second row lang.

‘Yun lang.

Wala akong nakitang ‘business class.’

Anyareee?!

Ang paliwanag sa atin, ganoon daw talaga ang domestic flight nila… ang tawag daw doon ay premium economy class.

Ngek?!

Sa taas kong 5’10″ masyadong maliit para sa akin ang espasyo ng regular seat sa isang malilit na aircraft  kaya naman lalo pa tayong nadesmaya nang pabalik na sa Maynila.

Tumawag kasi sa staff ko ang PAL at sinabing ang pabalik na flight imbes Airbus A320-200 pinalitan ng 76-seater propeller-type aircraft.

SONABAGAN!

Nagbayad ako ng P10,563 para sa round trip ng biyaheng ito, tapos ‘yan lang ang makukuha kong serbisyo?!

IBALIK ninyo ang pera ko!

Kakaiba pala ang medical knowledge ng isang Immigration doctor?

Kakaiba pala ang karakas nitong isang Dra. Theresa Montenegro riyan sa Bureau of Immigration (BI).

Imagine, siya lang yata ang natatanging doktora na nakagagawa ng sariling obserbasyon at rekomendasyon kahit hindi pa niya personal na natse-check-up ang kanyang pasyente?!

Ibang klase raw talaga si Dra. Monte-engot ‘este’ Montenegro ‘di ba?

Hindi kaya aral siya kay Mang Kepweng ‘d Albularyo?

Balita ko, napakarami na raw empleyado ng Bureau ang na-certify na walang sakit kahit may dala-dalang medical certificates at duly notarized pa.

Panay din daw ang certify na walang sakit ang isang empleyado na kahit minsan ay hindi pa niya nagiging pasyente!?

Anak ng pusa, tindi mo ha!!!

Mukhang hindi mo napag-aralan sa medical school ang tamang medical ethics, doktora?

No wonder, na nade-deny ang mga sick leave request ng mga organic immigration employees dahil thru imagination and her psychic powers ay nade-detect na ang sakit nila.

Bwahahaha! You’re so funny Dra. Monte-e-ngot ‘este’ Montenegro!

What if mag-expand ka ng knowledge mo at lumipat ka na lang sa PAGASA?

I’m sure magiging very valuable ka sa ahensiyang iyan dahil sa galing ng mga out of this world predictions mo.

Isipin mo, maning-mani sa iyo ang manghula.

E ‘di parating pa lang ang bagyo, gets na ng mga powers mo?

Aba’y kakain sa iyo ng alikabok si Madam Auring niyan, Doktora?

Kung sa ABS-CBN ka naman lilipat, baka dahil sa iyo matsugi si Kuya Kim sa galing mo!

Doon naman sa mga BI employees na naperhuwisyo nitong si Dra. Monte-senglot ‘este mali na naman’ Montenegro pala, I firmly suggest na i-file n’yo sa Ombudsman at PRC ang mga reklamo ninyo at tingnan natin kung kayang i-predict nitong si Dra. ang kahihinatnan ng mga kaso niya!

Batang mag-aaral hindi pinabalik sa Day-Care School Brgy. 18 Z-2 Dist. 2 Libis Nadurata, Caloocan (Paging: Mayor Oca Malapitan)

Pinagpipitaganan naming Sir Jerry,

Ang mga batang mag-aaral sa aming komunidad, Barangay 18, Sona 2, Distrito II, Libis Nadurata, Lungsod ng Kalookan ay pinalipat po at nakikisuno sa ibang Day Care School mula pa noong pasukan ng eskwela dahil giniba po ang dating gusali ng aming Barangay Hall at pinatayuan ng bagong building.

Pinangakuan po ang titser at mga magulang ng bata na pansamantala lamang ang kanilang paglipat, at pagkatapos ng konstruksyon ng bagong gusali ay pababalikin sila sa kanilang Day Care Center.

Tapos na po ang bagong building at inokopahan na ng Sangguniang Barangay noon pang Pebrero 2015. Tapos na rin po ang gusali ng Sto Niño Day Care Center, nguni’t sarado at bakante, dahil hanggang ngayon ay hindi pa pinababalik ang mga batang estudyante.

ANG PANGAKO na “paglipat pansamantala” at “ibabalik muli” sa dating eskwelahan ay walang linaw at katiyakan, at ang sabi umano ng isang Barangay Kagawad, “Ewan kay Kap.”

Sana po ay matulungan ninyo kami sa pamamagitan ng paglathala ng PAHAYAG AT PANAWAGAN na aming ginawa upang maiparating sa mga mamamayan ng aming komunidad at mga kinauukulan ang kalagayan ng aming Day Care Center at aming mga batang mag-aaral.

Inilakip ko po ang kopya ng pahayag/panawagan para sa inyong pagsusuri.

Maraming salamat po. MABUHAY KAYO.

Gumagalang,

Lito ‘Kabesa’ Chavez

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *