Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu, nag-esplika ukol sa ‘pagsingit’ sa Comelec registration

091815 kim chiu

00 Alam mo na NonieNAGING viral sa social media ang isang video ukol sa Facebook post na inaakusahan si Kim Chiu ng pagsingit sa pila sa Comelec’s voters registration sa isang mall sa Marikina City.

Naganap ang insidente noong October 27 na na-video-han si Kim habang sumasailalim sa biometrics procedure. Ayon sa FB post ng isang Kupal Lord:

GALING SA INBOX: KAPAG ARTISTA, PWEDE NA LAHAT!

“Nangyari ang insidenteng ito noong oktubre 27, 2015. Matagal naghintay ang mga tao sa isang lugar sa Marikina para makapag parehistro sa darating na botohan. Noong nagsisimula na ang processing, may biglaang dumating na artista itago na lang natin sa pangalang ‘Kim Chiu’ (hahaha) So ayun dahil artista nga hindi nya na kailangan pumila. Nakakaawa yung mga taong naghintay makapag parehistro ng maaga lalong lalo na yung mga matatanda parang tinaboy lang para paunahin si Tsinita Princess.#OnlyinthePhilippines

“Pag artista ka di ka na kailangan pumila!!! dito lang yan sa comelec marikina.

“Pati senior citizens kawawa sa kanila. Comelec chairman ayusin mo naman mga bata mo.”- Complainant (Fred L.)

Nagpaliwanag naman ang Kapamilya aktres sa kanyag Twitter account hinggil sa naturang insidente. Ayon kay Kim, nandoon na raw siya sa venue ng registration nang maaga pa at naghintay lang sa kanyang sasakyan. May pinapila na raw ang aktes para sa kanya, kaya hindi siya sumingit sa pila.

“I was there 7:30am po kasi i had a flight after, my RM lined up for me po, close pa mall. nung turn ko na po tsaka ako bumaba…

Sumunod ay nagpatutsada rin si Kim sa mga nangba-bash sa kanya.

“Dont judge if you dont know the real story.. dont base sa kung anong nakikita ng mata.. know everything first, bago mag kwento.. 👎”

 ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …