Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James at Nadine dedicated at all-out sa kanilang romantic serye (OTWOL kaya number one sa iWant TV at mataas ang ratings)

101315 JaDine
UMAABOT na sa lampas 4.4 M ang naitatalang views ngayon sa iWant TV ng “On The Wings of Love” nina James Reid at Nadine Lustre.

Sinusundan naman agad ito ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ng hari ng teleserye at primetime na si Coco Martin at ng KathNiel loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para naman sa Pangako Sa ‘Yo na sobrang taas rin ng rating gabi-gabi at milyon-milyon din ang bilang ng mga tagapanood sa iWant TV.

Ilan sa mga factor ng nasabing romantic serye kung bakit sila nangunguna sa nasabing free video on demand and video streaming ng ABS-CBN Corporation, ‘yung bukod sa parehong dedicated sa kanilang craft ang JaDine loveteam ay all-out sila sa lahat ng mga eksenang ipinagagawa sa kanila ng kanilang mga director na sina Antoniette Jadaone at Jojo Saguin partikular sa marami nilang kissing scenes na among our young Kapamilya loveteams ay sila lang ang pwedeng gumawa dahil perfect couple sila.

Lalo na sa episode na napanood noong Martes (Nov 10) na tinanggap na ni Leah (Nadine) nang buong puso at handa na siyang sumugal sa ayaw paawat na pag-ibig sa kanya ng gwapong hubby na si Clark (James). Kahit na pang onscreen lang ‘yung tambalan ng dalawa ay mape-feel mo talaga ‘yung love nila sa isa’t isa.

Basta kakaiba talaga ang magic ng JaDine kaya naman kahit ang edad mo pa ay 50 pataas ay bumabagets ka, dahil ibang klase talagang magpakilig ang tambalang James at Nadine na mga hot at yummy!

Halos 21% pataas ang rating ng OTWOL sa Kantar Media National TV ratings at gabi-gabi nilang inilalampaso ang katapat na show sa kabilang network.

Samantala sa ingay ng serye, napansin na rin ito ng bagong tatag na award giving body sa social media na Illumine para sa kanilang 1st Global Innovative College Innovation Awards for Television na itinanghal na ang OTWOL bilang “Most Innovative TV Series.”

Sa pamamagitan ng co-director sa OTWOL na si Antoniette Jadaone ay personal na tinanggap ni Direk Jojo Saguin, ang nasabing award.

Padami nang padami na rin ang nagpa-follow sa official website ng JaDine serye na www.OTWOLista.com na makikita ang behind the scene na mga photos and videos nina Clark at Leah.

To Team Dreamscape, thumbs gyud!

 
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma
 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …