Thursday , December 26 2024

Vhong, Sweet, Rayver, Alex, Janine, at Lotlot, nagsanib-puwersa sa pananakot sa Buy Now, Die Later

111215 buy now die later

00 SHOWBIZ ms mPASIKLABAN sa pagpapatawa, pagpapatili, at pananakot ang ensemble cast ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na Buy Now, Die Later! na pinagbibidahan nina Vhong Navarro, John “Sweet” Lapus, Rayver Cruz, Alex Gonzaga, Janine Gutierrez, at Lotlot de Leon.

Naiibang kuwento ng misteryo, kababalaghan, at psychological thriller angBNDL dahil umiikot ito sa limang pandama o senses ng isang tao—paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, pandamdam.

For the first time, nagsama-sama ang magagaling na artista sa MMFF entry ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films. Sila rin ang nasa likod ng isa pang filmfest entry na Walang Forever nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales, ang 2014 surprise blockbuster na English Only, Please. Ito ang tanging festival entry na ipinagmamalaki ang ensemble acting ng cast. Winner na ang story, fantastic pa sa galing nila sa lahat ng eksena!

Sa Buy Now, Die Later, times five ang hatid na entertainment fare  ng hindi ordinaryong horror-comedy film. Kilala na bilang Prince of Horror-Comedy Film si Vhong na bentang-benta sa pananakot at pagpapatawa. Lutang na lutang muli ang husay ni Sweet sa komedya sa kuwento niya. Klik na klik naman ang kakikayan ni Alex lalo na sa eksenang pinagaganda ang boses habang kumakanta. Si Rayver naman ay misteryoso ang dating at bilang preparasyon sa role, na nag-aral pa siya ng culinary arts. Swak na swak naman si Janine bilang batang Lotlot na kuhang-kuha ang kabaliwan ng ina sa sariling eksena!

Mula sa direksiyon ni Randolph Longjas, ang Buy Now, Die Later na siyang nagdirehe ng pinag-usapang comic indie film na  Ang Turkey Man ay Pabo Rin.

Ang bawat lead star ng festival entry ay inire-represent ang bawat senses. Si Vhong sa sense of sight; si Sweet sa sense of smell; si Rayver sa sense of taste; si Alex sa sense of hearing; at ang mag-inang Janine at Lotlot sa sense of touch. Makakamit nila ang hangad na tagumpay sa buhay at career na pinasok subalit hindi basta-basta makakakalas sa kasunduan sa may-ari ng shop na si Santi (TJ Trinidad).

Isang on line blogger si Vhong na si Odie na gustong sumikat tulad ng amang isang photo-journalist. Si Ato naman si Rayver na kaibigan ni Ogie. May-ari siya ng restaurant na Taste Buds na sa bandang huli ay personal na binayaran ang kasakiman. Si Chloe naman si Alex na ambisyong maging sikat na singer kahit sintunado ang boses!.

Si Sweet naman ang bading na si Pippa na naka-relate sa music ni Chloe. Crush na crush niya si Narciso (Manuel Chua). Pero mas type ng lalaki ang kakambal niyang si Larra (Cai Cortez). Sense of touch naman ang inire-represent ng mag-inang Lotlot at Janine. Bilang si Maita (Lotlot) nakiusap siya kay Santi  na ibalik na sa normal ang buhay ng anak na si Chloe.

Para sa ilang impormasyon pa sa horror-comedy of the year, i-follow “BNDL” sa Face Book –www.facebook.com/BuyNowDieLater; You Tube – www.youtube.com/user/QuantumFilmsProdn; Twitter: @BuyNowDieLater; Instagram : @buynowdielater.

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *